Chapter 5

407 50 200
                                    

Nagmumuni-muni na lang muna kami rito ni Erica sa gym habang wala pa ang P.E proctor namin. Kaunti pa lang din kaming magkakaklase ang narito. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari sa'kin dito basta sana magustuhan ko na lang kung ano man mayroon dito.







@its09am: Enjoy first day of school loves






Reply ni Amara sa picture namin ni Erica sa IG story ko. Pare-parehas din naming first day of school ngayon. Masaya siya ngayon sa nursing course niya, ganoon din si Rashyle. Si Erica, sakto lang. Ako? Bahala na. Kakayanin ko na lang at pipilitin kong magustuhan. Sigurado naman akong may mga magugustuhan akong bagay dito, 'no?






@rashlavsyou: Hoy kaklase ko yung crush mo!






Reply din ni Rashyle sa story ko.






@mscarlettv: Sinong crush? Wala akong crush.





Mayamaya'y bigla siyang nag-send ng picture ni Niel habang nagsusulat sa notebook niya. Napakagat na lang ako agad ng daliri para mag-pigil ng ngiti na hindi ko rin alam bakit ako nangingiti. Siguro masaya lang ako dahil kaklase niya ang kaibigan ko.





@rashlavsyou: Nag-aaral ng mabuti para sa future niyo





@mscarlettv: Friends lang kami. Issue ka talaga amputek ka.





@rashlavsyou: Musta ka na daw tangina mo hahahahaha





@mscarlettv: Tangina niya rin





Typing na ulit si Rashyle pero hindi ko na 'yon hinintay pa dahil magsisimula na ang P.E class namin. Isang oras lang naman kami sa gym pagkatapos no'n ay magpapalit na rin kami ng school uniform namin at diretso na sa computer lab.





🩷

Hindi rin ako nasabihan na sobrang lamig pala rito at hindi kami nakapagdala ng jacket ni Erica. In the middle of the class, mayroong nagpatong sa'kin ng jacket kaya agad ko iyon nilingon.






"I see, you're cold," aniya at tinapik ako sa balikat. "You're Myra Voredel, right? Daughter of the owner of Voredel's Boutique in Paris?"





"Uh, yeah. Do I know you?" I raised a brow in confusion.





"Oh, sorry. I'm Hans Beau Fresnido, we also have a company in Paris that's why I knew your family."






"Oh, I see. Thanks for the jacket."





"You can use it the whole class time."


Ngumiti na lang ako at hindi na nagreklamo pa dahil lamig na lamig na rin ako. Hanggang sa mag dismissed na lang ang klase ay suot ko pa rin ang jacket niya. Hindi ko na naisoli dahil hindi ko na siya mahagilap. Nauna na rin si Erica dahil magkikita pa raw sila ng Papa niya.

The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant