Chapter 40

172 3 0
                                    

"Hi, uhm, may I speak to the CEO, please?" I asked the lady in the front desk. She said that Niel is on a meeting at hindi raw niya alam kung hanggang anong oras matatapos.






I waited at the lobby for hours, even texting him but I got no replies. I just wanted to see him for a minute but I guess he's too busy so I decided to go straight to the mall. Dumiretso ako ng bookstore para bilhin 'yong bagong published book ng kilala kong author and someone who's related to my best friend. I laughed a little while reading the synopsis.






He even used my best friend's name for his main character. Very much inlove, huh? Well, I'm beyond happy for them. Minsan napapaisip ako kung mararanasan ko rin ba 'yon ulit.






Hindi na ako nagtagal pa ro'n. Libro lang at milktea ang binili ko saka nagsimula na ulit maglakad-lakad pauwi. Ayoko rin sumakay dahil gusto kong mag-ipon. So far, no paparazzis were spotted when I was having a small time for myself.





Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong pamilyar na kotse sa tapat nitong bar na kinatatayuan ko ngayon. I saw him went out and immediately avoided eye contact with me the moment our eyes finally met again after not seeing each other for months.






"Lasing ka tapos magda-drive ka? Let me drive you home. I don't want you get into another accident. Hayaan mo 'kong bumawi sa'yo." Lapit ko agad sa kanya bago pa siya makapasok ng sasakyan. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa sasabihin ko. I really want to do something because thank you wasn't enough. He almost risk his life that night.







"You don't have to. I can still drive. Umuwi ka na."






"Please? I owe you a lot, Niel."





I heard him sighed before opening the door for me. Dumiretso naman ako agad sa driver's seat para hindi na siya makaangal. Napataas siya ng kilay nang makita niyang naka-pwesto ako ro'n. "Hindi d'yan ang upuan mo," masungit niyang sambit.






"Hindi rin 'to pwedeng upuan ng lasing." Tinaasan ko rin siya ng isang kilay. Napabuntong-hininga na lang siya saka na rin umupo sa tabi ko.





"Seatbelt po pakisuot," sabi ko. Napaawang ang labi ko nang makita ko siyang umirap lang at hindi sumunod sa'kin. Bakit ba badtrip na badtrip 'to? Ayaw niya ba sa presensya ko ngayon? Ayaw ko lang naman siyang mapahamak kaya ako ang maghahatid.





"Sinong umaway sa'yo, bata?"





"I'm two months older than you."





"Hindi ko naman tinanong. Kulang ka ba sa alak?"





"Hindi. Pero sa'yo, oo." Napangisi siya. Mas lalong napapakunot ang noo ko dahil sa trip niya. Hindi ko siya maintindihan. Napailing-iling na lang ako saka ko siya nilapitan para ayusin ang seatbelt sa kanya nang biglang may lumapat na labi sa'kin. Napakapit ako agad sa mga hita niya at hindi malaman kung paano gagalaw.






"Kulang na kulang ako sa'yo," aniya nang maglayo na ang labi namin. "I thought I'm gonna lose you again. But this time, it'll be forever. I'm so sorry." He rested his forehead on mine sabay yakap nito sa'kin.






I held his hand. "Nakahinga na ng maluwag ang lahat, magsisimula ako ulit, magsimula tayo ulit." Tinungo ko ang ulo ko at ngumiti sa kanya. I wiped his tears using my thumb, making him smile, too. I wanted us to be free from everything, kahit sa nakaraan namin.






The Spotlight of Destiny (A Lover in Paris 1)Where stories live. Discover now