Chapter 45

223 7 1
                                    

Chapter 45 : "Angel of the past."

Nagbigay ng ngiti sa aking labi ang amoy ng kape na tinimpla ko. Maaga kasi akong nagising ngayon kaya naman napagdesisyunan kong ipaghanda ng almusal si Theo at Sheryl. Hindi naman ako expert pagdating sa pagluluto kaya naman puro prito lang ang inihain ko.

I fried eggs, sausages, hotdogs, bacons, and fried rice.

Sa limang taon na lumipas mas pinagtuonan ko ng pansin aralin ang paggawa ng kape at tsaa. Naging focus kasi ako sa pagtupad sa pangarap kong magkaroon ng sariling coffee shop kaya hindi ako natutong magluto.

Isa-isa kong inilapag sa mesa ng maayos ang mga ulam pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko para kuhanan iyon ng litrato.

Nagawi ang aking tingin sa engagement ring na suot ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na engaged na kami ni Theo. Ang bilis ng mga pangyayari ngunit kahit pa gano'n pakiramdam ko ay ito ang tamang panahon para sa amin.

Limang taon ang nasayang ayaw na naming dagdagan pa iyon.

"Hey Simba. Ano'ng ginagawa mo?"

Arms wrapped around my waist automatically made me smile.

"I cooked breakfast," sabi ko sabay tagilid sa aking ulo na siya namang kaagad niyang naunawaan kaya ipinatong niya ang kaniyang baba sa balikat ko.

He kissed my right cheek. "Wow I didn't know you can fry."

"Shut up big curls don't piss me off in the morning."

He chuckled. "Okay okay, I'm sorry."

"Good morning Ate Rain, Kuya Theodore!"

Kaagad kami napalingon ni Theo para salubungin si Sheryl. She giggled when Theodore tickled her.

"Did you had a good sleep?" tanong ni Theo kay Sheryl habang nakayuko siya upang makausap niya ito ng maayos.

"Yes po! Ang soft po ng bed niyo."

I smile. She's a cute little girl. Hindi nakakapagtaka na giliw na giliw si Theo sa kaniya.

"Gutom ka na, Sheryl?" I asked her.

"Yes po."

Theo pulled a chair for her pagkatapos ay inalalayan niya pang makaupo ng maayos si Sheryl habang ako naman ay nilalagyan siya ng hotdog sa plato niya.

"Gusto mo ng fried rice?" tanong ko sa kaniya habang nilalagyan ko ng ketchup ang gilid ng plato niya.

"Yes po."

"Ubusin mo 'yan huh?"

Ngumiti siya sa akin. "Opo. Ang sabi po ni Kuya Theodore bad daw po kapag hindi inubos 'yong food sa plate."

I caressed her soft hair. "Yes dapat inuubos ang food sa plate para palaging may blessing."

Umupo na ako ng maayos at muling napangiti nang makita kong maganang kumakain si Sheryl. Bigla ko tuloy naalala ang makulit kong kapatid na si Kurt. Hindi kasi iyon madalas kumakain ng kanin sa umaga dahil ang mas gusto no'ng kainin ay prutas.

Nanumbalik lang ako sa katinuan nang ipinatong ni Theo ang kaniyang kamay sa kamay kong nakahawak sa tinidor.

Tumingin ako sa kaniya. "What?"

"I love you," he mouthed.

I moved closer to him and kissed his lips. "I love you too."

Naging maganda at masarap ang umaga namin. Hindi matapusan ng kwento si Sheryl habang kami naman ni Theo ay nakikinig lang sa kaniya. She's a smart kid, nalaman ko kasing madalas niyang binabasa ang mga recipe books ni Theo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SeventeenWhere stories live. Discover now