Chapter 16

100 2 0
                                    

Chapter 16 : "The Brown Envelope."

"Hay grabe! Ang bilis ng araw. Akalain mo 'yon limang buwan na pala ang lumipas." Sabi ni Rachelle habang humihikab.

She's right. Napakabilis nga ng oras at ng mga pangyayari. Hindi pa rin ako makapaniwalang limang buwan na pala ang lumipas. Ganon siguro talaga kapag nage-enjoy ka.

I could still remember my first day being a student here. Hindi 'ko talaga inisip na magkakaroon ako ng kaibigan dito sa school. I'm not really approachable and I don't know how to start a conversation. Kaya naman 'yung pagkausap sa akin ni Honey nung first day hindi 'ko ini-expect 'yon. Bago 'ko pa man makita si Rachelle sa comfort room ay sapat na sa akin noon kung si Honey lang ang maging kaibigan 'ko rito sa school hindi 'ko akalaing may dadagdag pang isa which is Rachelle. Hindi lang 'yon halos lahat na rin ng classmates namin ni Honey ay close 'ko na.

I'm really thankful that I have the best dad ever. Kung hindi dahil sa kaniya siguro hindi 'ko nakita ulit si Rachelle at hindi 'ko magiging kaibigan si Honey. Mabuti na lang at hindi talaga sinunod ni dada si mamu. Speaking of Mamu pupunta nga pala kami mamaya ni Kuya Ivan kayla Mamu, my mom's mother. Busy kasi si dada kaya sinabi niya na si kuya na lang daw ang sasama sa akin mamaya.

"Ano nga pa lang susuotin niyong costume para sa Halloween Party ng school? Ayaw 'ko nga sanang pumunta kaso hindi pwede, lahat daw dapat pumunta." Sabi ni Rachelle.

"'Yung sa'kin surprise na lang. Pero kung may maisip kayong costumes na pwede nating suotin tatlo mas maganda 'yon." Honey said while chewing a gum. As usual, makapal na naman ang lipstick nito. Kinulot rin nito ang buhok niya ngayon at may suot siyang hoop earrings. Nakasuot na ng uniform si Honey dahil hindi na pwede 'yung ginagawa niya dati na hindi nagsusuot ng uniform.

"Nakaka-shit talaga 'yang principal natin mga pinag-iiisip. Halloween party? Ano tayo mga bata?" Reklamo ni Rachelle sabay kain sa hawak niyang chocolate chips.

"Maganda kaya 'yon. Kahit kailan talaga reklamador ka." Sabi 'ko kay Rachelle pagkatapos ay kinuha 'ko ang cellphone 'ko sa bag.

"Ah! May naisip ako. Sa Halloween party magsuot na lang tayo ng Charlie's Angels costume. Tamang-tama tatlo tayo." Rachelle beams as she said her suggestion.

I check my messenger app while listening to Rachelle and Honey.

"Pwede siya. What do you think, Meadow?" Honey asked. Tumingin ako sa kaniya pagkatapos ay inalis 'ko muna ang tingin 'ko sa cellphone.

"Why not?" I smile at them.

"So, iyon na talaga sure na sure na?" Tanong ni Rachelle at sabay kaming tumango sa kaniya ni Honey bilang sagot sa tanong niya. She giggles then asked for a fist bump. Honey and I being a supportive friend ever, gave her a fist bump.

After the fist bump thing I start focusing on my phone again. My lips automatically curved a smile when I saw his message.

My marshmallow : Nabalitaan mo na 'yung tungkol sa halloween party?

I type a reply.

Yep. Why?

I smile even more when he immediately seen my message. Hindi halatang wala siyang ginagawa huh.

My marshmallow : U coming?

As if we have a choice. Hindi naman pwedeng hindi pumunta.

"Hay grabe kakakain 'ko lang gutom na naman ako." Sabi ni Honey

"Ako nga rin nakakabwiset." Sagot naman ni Rachelle.

SeventeenWhere stories live. Discover now