Chapter 11

101 3 0
                                    

Chapter 11 : "An old friend."

I woke up early today. I smile without showing my teeth when I pulled the navy blue heavy curtains away from blocking the light outside the window. I closed my eyes as I welcomed the warmth of the morning sun. The sky is balmy and cloudless. I opened my eyes again and reached for my backpack. It's seven o'clock in the morning and it's time for me to go to school.

I looked at the mirror and stare at myself. As usual, nanghiram na naman ako kay Erin ng damit. Hindi ako nakakuha ng damit ko kahapon kaya naman kahit pa nahihiya na talaga ako ay nanghiram ulit ako kay Erin.

I'm wearing a white printed oversized t-shirt with a picture of Winona Ryder while she's smoking. I tucked the t-shirt inside of Erin's wide baby blue jeans then I put a belt and I wear my white sneakers.

"Wow, bagay sayo 'yung damit at jeans ko. Ganon pala talaga 'no? Kapag sinuot ng mayaman ang damit ng mahirap nagiging mukhang mamahalin."

I faced Erin and I saw her walking inside my room. Well, apparently not my room because I slept at Tita Anastasia's mansion again.

I put the straps of my backpack on my shoulders then I roll my eyes at Erin. She just laughs.

"Gising na nga pala si Ma'am Anastasia. Medyo okay na siya hindi nga lang siya makagalaw ng maayos."

"Talaga? Where is she?"

"Nasa kwarto niya pa rin. Dinala ko lang kanina sa kaniya 'yung pagkain niya." Pinagpag ni Erin ang kama ko habang ako naman ay inayos ang buhok kong may haba na hanggang sa ilalim ng kili-kili ko.

"Gusto ko sana siyang kausapin kaso baka ma-late na ako."

Tiniklop na ni Erin ang kumot. "Mamaya mo na lang kausapin. Narinig ko kasi bago ako pumasok sa kwarto niya na humihikbi siya."

"Bakit siya umiiyak?"

"Aba ewan tita ko ba 'yon?"

Ano ba talagang nangyayari kay Tita Anastasia? Baka naman may alam si dada? Ang kaso may alitan kami kagabi. Uuwi na lang ako mamaya sa bahay para mag-sorry sa kaniya.

"Erin pasok na ako huh?"

"Sige, ingat! Hindi ka susunduin ng boyfriend mo?" Palabas na sana ako ng kwarto pero nang marinig ko ang sinabi niya napalingon ako ulit sa kaniya.

"Boyfriend? Wala akong boyfriend."

Nilingon ako ni Erin at may ngiti ito sa kaniyang labi. "Sus, huwag mo nang i-deny. Sinabi sa'kin ni inay na may lalaki daw kagabi na nakaupo sa gate at boyfriend mo daw iyon. Hindi ka na nga daw nakabalik agad pagkalabas mo e. Saan kayo nagpunta huh? Nako, Meadow. Kalimutan mo na ang lahat huwag lang ang proteksyon."

"Proteksyon?"

"Condom!"

"Nako naman, Erin. Walang ganyan 'no."

"Ay talaga? Ang swerte mo naman sa boyfriend mo. Paubos na kaya ang mga conservative guys ngayon."

"Ewan ko sayo Erin. Hindi ako swerte kasi una sa lahat hindi ko 'yon boyfriend 'no!"

"So, magiging boyfriend pa lang?" Nginitian niya ako sabay kindat sa'kin. Tinawanan ko lang sya at hindi na sinagot pa. Mas hahaba pa kasi ang usapan kapag sinagot ko pa siya at baka ma-late pa ako.

Magta-taxi na lang ako papuntang school. Kapag kasi dito sa mansion ni Tita Anastasia ako manggagaling papuntang school ay malayo. Aabutin ako ng twenty minutes papuntang school hindi pa kasama ro'n kapag traffic. Kapag sa bahay naman namin manggagaling ay fifteen minutes lang nasa school na ako kasama na doon ang oras kapag na-traffic kami sa daan.

SeventeenWhere stories live. Discover now