Chapter 23

92 1 0
                                    

Chapter 23 : "Melancholy."

"Let's have girl bonding some other time if you're free okay?" Tita Eloisa hugged me tight and I hugged her back.

"Of course tita." Pinakawalan na niya ako pagkatapos ay ngumiti siya sa akin. Hindi 'ko alam kung ano bang meron kay Tita Eloisa at sobrang gaan ng loob 'ko sa kaniya. Siguro kasi may pagkakahalintulad siya kay mommy. God! I miss my mother so much.

Tumingin muna si Tita Eloisa kay Theo na nakatayo sa tapat ng taxi habang hinihintay ako bago binalik sa akin ni Tita Eloisa ang tingin niya.

"I know my son is very secretive and a complicated person but please have little more patience and understanding to him. Hindi 'ko pa kasi siya nakitang ganito ka-saya and I'm not stupid to not know that it's because of you." What Tita Eloisa just said melted my heart. I could see how much she love Theo. Mas lalo 'ko tuloy na-miss si mommy.

"I'll keep that in mind tita."

She smile and mouthed, 'thank you' before she lead me to Theo. Nang makalapit na ako kay Theo ay agad niya akong hinalikan sa noo. Pinulupot 'ko naman ang dalawa 'kong braso sa bewang niya at nanggigigil 'ko siyang niyakap ng mahigpit. Ilang minuto pa lang naman kaming hindi nagtabi pero miss 'ko na agad siya.

"I missed you," I mumbled as I rest my chin on his left shoulder.

"Oh someone's being clingy." He said, waggling his eyebrow. I chuckled and kissed his neck.

"Umuwi na nga kayong dalawa at baka langgamin na kayo d'yan. Dumidilim na hindi magandang inuuwi mo ng ganitong oras si Meadow, Nic." Nilalaro ni Theo ang dulo ng buhok 'ko habang nakatingin ako kay Tita Eloisa.

"Yes ma at ikaw, umuwi ka na rin. Binayaran 'ko na ang utang mo kay Tita Isabel kaya 'wag mo nang intindihin 'yon. I-text mo ako kapag may problema."

Tita Eloisa rolled her eyes. "Minsan talaga napapaisip ako kung ama 'ko ang pinanganak 'ko at hindi anak 'ko."

"Ma. Seryeso ako. Text me kapag may problema."

"Oo na po baby Nic-Nic." I laughed still hugging Theo.

"Ma!"

"Oo na! O siya sige pumasok na kayo sa taxi. Ingat kayo sa pag-uwi huh?"

Binitawan 'ko muna si Theo dahil magpapaalam pa siya sa mama niya. I smiled when I saw Theo hugged Tita Eloisa tight and he kissed his mom's cheeks.

"Ba-bye na. Ingat sa pag-uwi."

Matapos halikan at yakapin ni Theo si Tita Eloisa ay inakay na ako ni Theo papasok sa taxi. Nang tuluyan na kaming makapasok sa backseat ay nakita 'kong kumaway pa sa amin si Tita Eloisa bago tuluyang umandar ang taxi na sinasakyan namin. Nang hindi 'ko na matanaw si Tita Eloisa ay umayos na ako ng upo at hinilig 'ko ang ulo 'ko sa balikat ni Theo, kusa namang gumalaw ang kaliwang braso ni Theo at ipinulupot niya iyon sa aking bewang.

"Ito 'yung panyong binigay 'ko sayo di ba?" Inalis ni Theo ang braso niya sa bewang 'ko at naramdaman 'kong hinawakan niya 'yung panyo sa buhok 'ko.

"Yeah," I said while nuzzling his shoulder.

"Bakit ginagawa mo 'tong panali?"

"It's my lucky charm. Kaya pinantali 'ko 'yan sa buhok 'ko kanina dahil kinabahan talaga ako sa biglaang pagde-desisyon mong ipakilala ako sa mama mo. Everything went well a while ago, so I guess that handkerchief is really a lucky charm." I closes my eyes when I felt Theo plant light kisses on my forehead.

"Mukha ngang close na close na kayo ni mama e. Parang gusto na nga niya akong pauwiin kanina kasi istorbo ako." I chuckled. Minulat 'ko ang mata 'ko pagkatapos ay inangat 'ko ang mukha 'ko at pinatong ang aking baba sa balikat niya. Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa, halos magdikit na nga ang ilong namin e. 

SeventeenWhere stories live. Discover now