Chapter 39

110 4 2
                                    

Chapter 39 : "Wonder."

"Lolo can we talk?" I asked while he's busy reading the newspaper.

As soon as Tita Eloisa leave my café a while ago I decided to go straight to the mansion to talk to Lolo. Alam ko naman kasing siya lang ang makakasagot sa lahat ng tanong na nasa isip ko ngayon. Gulong-gulong kasi ako sa mga nangyayari, sa mga sinabi ni Tita Eloisa sa'kin kanina.

I don't know what's happening but I'm hundred percent sure that Theo remembered everything. Hindi ako naniniwalang nakalimot siya.

"Oh, ang aga mo naman umuwi. You closed the café early?" Tanong niya sa'kin sabay lapag ng dyaryo na hawak niya sa mesa.

"Bukas pa po 'yung café. I just went here to talk to you."

"Take a seat first, then we'll talk about that."

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya pagkatapos ay tumingin ako sa malayo.

"Anong gusto mong pag-usapan natin apo?"

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga pagkatapos ay tumingin na ako sa direksyon ni Lolo.

"Ano po bang nangyari kay Theo? His mom went to my café a while ago and she's crying. Tinatanong niya kung alam ko daw ba kung nasan si Theo. Hindi ko maintindihan.. bakit hinahanap niya si Theo? Bakit wala siyang alam kung nasan si Theo."

Kinuha ni Lolo ang dyaryo niya sa mesa at binuklat iyon.

"If you want answers, you know his place, you know where he is, ask him for the answers yourself apo."

"Tita Eloisa said na nagka-amnesia daw si Theo. Totoo po ba?"

Tiniklop niya ang dyaryong hawak niya pagkatapos ay tumayo siya at tinapik ng marahan ang kanang balikat ko.

"You know his location. Ask him yourself. Magpapahinga na ako apo. Mag-ingat ka sa pagda-drive pabalik sa café." Sabi niya pagkatapos ay umalis na siya kaya naiwan akong mag-isa dito sa garden na gulong-gulong pa rin sa lahat.

Sa tingin ko, kahit magpumilit pa ako kay Lolo at magtanong sa kaniya hindi niya rin ako sasagutin. Hays.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa hardin bago ako nagdesisyong bumalik sa café ngunit bago ako tuluyang umalis ay nagtungo muna ako sa dining area para kumuha ng isang baso ng tubig at sa hindi inaasahan na pagkakataon nandoon pala si Kuya Ivan na mag-isang kumakain.

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa sintido niya bago ako nagtungo sa harap ng refrigerator para kumuha doon ng tubig.

"How was your sleep Kuya?" Tanong ko sa kaniya habang kumukuha ako ng baso.

Habang nagsasalin ako ng tubig sa baso ay nanatili itong tahimik kaya naman mahina akong napabuntong-hininga. He's not looking at me, nakatingin lang siya sa plato niya habang nilalaro ang pagkain doon gamit ang kutsara niya.

"I guess.. you slept well." I said, not expecting for a reply from him but unexpectedly he sarcastically chuckled.

"Yeah, the sleep was good. I dreamed about a car crashing to a big truck because the driver is a fucking idiot for not noticing the truck right on his fucking face—"

SeventeenWhere stories live. Discover now