Chapter 29

105 1 1
                                    

A/N : Happy Birthday to Honey Joy Ronda (AlagadNgPluma) My forever bestie! I want to be the first and the last one to great you a 'happy happy birthday' I know that I'm already late bcos your bday is now over but who cares? You love me and I know you will understand hahaha I love you so fucking much, bud and I miss you so much. See you soon. ❤

Chapter 29 : "Christmas Eve."

"Itigil na natin 'tong kagaguhan na 'to Meadow. Nabubwiset na ako." Inis na sabi ni Rachelle habang nilalabas mula oven ang palpak nanaman naming gawa. Pangatlong beses na namin itong subok pero kagaya nung una palpak pa rin. Asar!

"Paano na 'yan?" Problemado kong tanong kay Rachelle na ngayon ay nakatingin sa tatlong genoise chocolate sponge na ginawa namin na hindi naman umalsa.

"Bumili ka na lang kasi ng cake, madami ka namang pera."

Napabuntong-hininga na lang ako sabay tingin sa kalendaryong nasa gilid. Nasa buwan na iyon ng Disyembre, mas lalo tuloy akong namoblema nang magawi ang tingin ko sa numero ng 24 na may pulang marka. Ngayon ay December 23 na, at bukas birthday na ni Kuya Ivan pero hanggang ngayon hindi pa rin kami makabuo ng maayos na cake ni Rachelle.

Ang gusto ko sana sa birthday ni Kuya Ivan ngayong taon ay bigyan siya ng cake na ako mismo ang gumawa pero dahil puro palpak naman ang nagawa namin ni Rachelle mukhang bibili na lang talaga ako ng cake para kay Kuya Ivan bukas. Hays.

"Hay," I sighed. "Bibili na nga lang ako bukas ng cake."

"Mabuti pa nga. Samahan na lang din kitang bumili bukas." Sabi ni Rachelle sa'kin pagkatapos ay nagsimula na itong maglinis ng mga pinagkalatan namin. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo ko sa stool ng island counter para tulungan si Rachelle sa paglilinis. Ang una kong tinapon ay ang tatlong palpak na gawa namin ni Rachelle.

Nang matapos na kaming maglinis ay nagtimpla na si Rachelle ng gatas para sa aming dalawa. While Rachelle is busy I check the time on my wrist watch. Rachelle and I started at 8 o'clock in the evening and now it's already pass 10. Ang haba ng in-oras namin na puro kapalpakan lang ang nagawa namin.

"Saan ka matutulog? You can sleep in my room if you want." I offered.

"Thanks, but no thanks. Sa guest room na lang ako." Sagot sa akin ni Rachelle pagkatapos inabot niya sa akin ang isang basong gatas.

"Okay if that's what you want. Pero kung may kailangan ka katok ka lang sa kwarto ko huh?"

Tumango sa akin si Rachelle habang humihikab.

I texted dada a while ago that I'll sleep here; at the mansion tonight dahil dito matutulog si Rachelle. She's my guest, hindi naman pwedeng dito siya sa mansyon matutulog tapos ako doon sa bahay namin ni dada, that's rude. At saka isa pa, tutulong rin ako sa paghahanda bukas para sa birthday ni Kuya Ivan.

"Tulog na ako. Ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?" I shook my head before embracing Rachelle.

"Hindi pa ako inaantok e. Good night. Have a sweet dream." Pinakawalan ko na siya at tumango-tango na lamang ito sa akin habang humihikab. Mukha ngang antok na antok na ang isang to. Nang tuluyan nang maka-akyat si Rachelle sa pangalawang palapag ng mansyon ay napabuntong-hininga ako.

Magpapasko na, pagkatapos naman ng pasko, panibagong taon na pero hindi ko pa rin nakakausap ng maayos si Honey. Magmula nung makita ko siya sa restaurant na may laslas hindi ko na maiwasang mag-alala sa kaniya. Paano kung saktan na naman niya ang sarili niya tapos may mangyaring masama? Kapag nangyari 'yon hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

SeventeenWhere stories live. Discover now