Chapter 7

120 6 0
                                    

Chapter 7 : "Stranger."

"Dada, she's okay now. She's in pain when she wakes up a while ago that's why the doctors inject painkillers to numb her at para makapagpahinga na po siya ng maayos. I asked the doctors kung pwede na siyang umuwi ang sabi okay lang naman na pong inuwi siya kasi may family doctor naman daw po si Tita Anastasia. Buti nga nadala agad si Tita sa hospital e. At buti na lang kakilala pala ni Tita 'yung doctor. But don't worry dad everything's fine here."

"Thank you so much, sweetheart. I'm so worried about her when I got the call. Thank God, she's okay now. Anyway, alam mo ba kung anong nangyari?"

"I asked the policeman about it ang sabi car accident daw po. Hindi ko na siya masyadong naintindihan kasi alalang-alala ako kay Tita Anastasia nung nakita ko siya. Sorry dad, but I promise kapag nagising na si Tita I'll ask her."

"Alright, I gotta go. You take care okay? Update me about your Tita Anastasia's condition. For now, doon ka muna sa mansion ng tita mo matulog. She lives alone. Tanging maids and drivers lang ang kasama niya sa mansion and I don't trust them. Can you take care of your tita until she gets better? Can you do that sweetheart?"

"Of course, dada. Okay I'll end this call na. I love you, take care."

"I love you more."

I ended the call and I sighed. Tinignan ko si Tita Anastasia na ngayon ay mahimbing na natutulog sa malaki niyang kama. I'm so worried about her a while ago nang makita ko ang itsura niya. Ang buong katawan niya ay puro sugat at gasgas. 'Yung kaliwang braso naman ni Tita ay nabali. Her eyes are swollen na para bang umiyak ito bago mangyari ang aksidente. Iyak ako ng iyak nang makita ko siya kanina. Natakot ako sa lagay niya kanina kaya naman nang sabihin ng doctor na stable na si Tita ay talaga namang nagpasalamat agad ako sa Diyos.

Buti na lang may number si Tita Anastasia ng driver niya kaya naman na-contact ko si Manong Nestor at nagpatulong akong iuwi si Tita Anastasia. Namangha pa nga ako nang makapasok ako dito sa kwarto ni Tita Anastasia e. Ang laki kasi.

"Hay, bakit kaya na-aksidente itong si Ma'am Anastasia. Hindi naman mabilis magpaandar itong si ma'am ng kotse e. Sa katunayan nga sobrang maingat siya sa pagda-drive. Hay, ang aksidente talaga hindi natin mapipigilan kahit sobra pa tayong ma-ingat." Sabi ni Erin habang nakatingin 'din siya kay Tita Anastasia. Si Erin ay isa sa kasambahay ni Tita Anastasia. Nung unang kita ko nga sa kaniya kanina akala ko pamangkin siya ni Tita Anastasia kasi masyado pa siyang bata para maging isang katulong. Sa tingin ko ay mas matanda lang siya sa'kin ng konti.

"Ako nga 'din nagtataka e. Tapos namamaga pa 'yung mata ni Tita Anastasia. Akala ko nga nung una dahil lang sa aksidente 'yon pero sabi ng doctor sa itsura daw ng pagkamaga ng mata ni Tita ay galing daw iyon sa matagal na pag-iyak. May napansin ka bang problema ni Tita nitong nakaraang mga araw?"

Nakita kong nag-isip muna si Erin bago niya ako sagutin. "Wala naman. Sa katunayan nga masaya pa siya dahil kaarawan niya nung isang linggo. Tapos kaninang umaga hindi rin siya mukhang may iniisip na problema. Basta ang alam ko lang nagsabi siya na uuwi 'din siya agad. Pero hindi naman siya umuwi agad. Ngayon lang siya umuwi, at na-aksidente pa pala."

Okay lang naman pala si Tita Anastasia e. Baka naman aksidente lang talaga ang nangyari. At baka kaya namaga 'yung mata ni Tita Anastasia ay dahil bago siya nawalan ng malay ay umiyak siya dahil sa sakit na nararamdaman niya sa mga sugat at gasgas niya sa katawan.

SeventeenWhere stories live. Discover now