Chapter 30

116 1 0
                                    

Chapter 30 : "Phone call."

"Good night baby." I said as I bend over to give Jhaslyn a kiss on her forehead and to give her rosy cheeks a lightly pinch. She's an adorable baby girl. I can't believe she managed to enter my heart in a span of almost five hours of us being together. Iniwan kasi kanina nila kuya sa amin ni Theo si Jhaslyn dahil busy sila sa pag-entertain sa mga bisita. Hindi naman ako nagreklamo dahil unang-una, I really want to get close to Jhaslyn because she's now part of our family and plus, she's cute, unang kita ko pa lang sa kaniya gusto ko na siyang halik-halikan at pisil-pisilin.

Binuhat ni Kuya Ivan si Jhaslyn ng walang kahirap-hirap gamit ang isa niyang braso pagkatapos ay hinalikan niya sa noo si Jhaslyn habang cute na cute itong humihikab. Napagod siguro siya kanina dahil sa paglalaro namin at isa pa, 12 o'clock na rin kasi. Masyado nang gabi para sa batang katulad niya.

"I'll just tuck her to bed. Be back later babe." Paalam ni Kuya Ivan kay Ate Jhocas na ngayon ay namumula ang pisngi dahil sa ginawang paghalik sa kaniya ni Kuya Ivan sa labi sa harap namin ni Theo.

They're so cute! They are my favorite couple na.

"Yung kuya mo talagang 'yun walang hiya sa katawan!" Reklamo ni Ate Jhocas pagkaalis ni Kuya Ivan. Tinawanan ko na lang siya pagkatapos ay hinilig ko ang aking ulo sa balikat ni Theo na nakaupo sa tabi ko.

'Yung ibang bisita ay nag-uwian na, ang halos natira na lang ay mga kaibigan ni Kuya Ivan na ang iba ay kararating pa lang. Si lola at lola pinagpahinga na namin ni Kuya Ivan, si Rachelle naman hanggang ngayon ay kumakain pa rin. Nakakainggit nga e, ang lakas niyang kumain pero hindi naman siya nataba.

"Dahan-dahan, mabilaukan ka." Saway ko kay Rachelle na inirapan lang ako pagkatapos ay inangat ang kamay niya para mag-dirty finger sa akin. Napailing na lang ako at nagawi ang tingin ko kay Ate Jhocas na naabutan kong nakatingin sa amin ni Theo habang nakangiti. Nahiya naman ako bigla kaya umayos ako ng upo at medyo lumayo kay Theo.

"Uhm, nga pala ate, alam ba ni Mamu ang tungkol sa relasyon niyo ni Kuya Ivan?"

Pilit na ngumiti sa akin si Ate Jhocas pagkatapos ay bumuntong-hininga ito. "Hindi pa," nilaro nito ang pasta sa kaniyang plato. "Alam mo namang hindi pa rin niya tanggap ang nangyari sa mommy mo di ba? kaya natatakot akong ipaalam sa kaniya ang tungkol sa relasyon namin ni Ivan dahil baka kung ano pang gawin niya para lang paghiwalayin kami ng kuya mo."

Mamu doesn't like dada for mommy ever since mom and dada started their relationship but thanks for mommy's stubbornness, Mamu's disapproval to their relationship doesn't stop them to still stick with each other. Nai-kwento pa nga sa akin ni mommy noon na kinasal sila ni dada na walang kaalam-alam si Mamu.

Ang hindi ko lang talaga matanggap ay 'yung sinisisi ni Mamu si dada sa pagkamatay ni mommy.

"Don't worry ate. I'm surely kuya has a plan about it." Inabot ko ang kamay ni Ate Jhocas na nakatapatong sa lamesa at marahan iyong pinisil. I know she's scared. And I don't want her to leave kuya just because she's afraid of what Mamu might do to ruin their relationship.

"Aba dapat lang, gago siya kung papakawalan ka pa niya. Well, gago naman na talaga siya pero mas kagago-gago na siya sa paningin ko kapag iniwan ka pa niya." Sabad ni Rachelle na ngayon ay tapos na pa lang kumain at nagpupunas na lang ng tissue sa kaniyang bibig.

Ate Jhocas just chuckles then she put her hand at the top of my hand that is holding her hand underneath.

"You're friend is really something.. I like her." Bulong sa akin ni Ate Jhocas habang tumatawa pa rin ito ng mahina.

"She's just like that, pero mabait talaga siya ate."

"I could see that,"

Matapos maubos ni Ate Jhocas ang pasta niya na sa tingin ko ay pinilit niya lang namang ubusin, nagpaalam ito na susundan niya si Kuya Ivan na hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik. Kaya kami na lang tatlo ang naiwan ngayon sa table.

SeventeenDove le storie prendono vita. Scoprilo ora