Chapter 36

97 4 1
                                    

Chapter 36 : "Canada."

I woke up around 3 AM in the morning because of an alarm that instead of PM I stupidly set in AM the night before and because it interrupted my sleep I can't make myself go back to sleep anymore that's why I just decided to stay in the balcony for a cup of coffee.

After making my own coffee in the kitchen I immediately went to the balcony. At katulad ng inaasahan ko, malakas at malamig na hangin ang sumalubong sa'kin pagkatapak ng paa ko sa balkonahe. Madilim ang kalangitan pero walang bakas ng bituin sa langit kaya naman imbes na tumingala ay nakuntento na lang ako sa pagtingin sa nagkikislapang ilaw na galing sa syudad ng Canada.

For me, balcony is really the best spot here at Tremblay's mansion.

Sumimsim ako ng kape pagkatapos ay ipinikit ko ang aking mata nang maramdaman ko ang pag-guhit ng init ng kape pababa sa lalamunan ko pagkatapos ay bumuntong-hininga ako bago muling minulat ang mata.

Napaigtad ako ng may bigla akong naramdaman na pinatong sa magkabila kong balikat kaya agad akong napatingin sa likuran ko. I smile a bit when I saw that it's Kuya Ivan.

"So why does my favorite niece is still awake?" He asked before he sit to the chair beside mine. Ako naman ay inayos ang jacket na pinatong niya sa balikat ko kanina at binalot iyon sa katawan ko.

"I'm your only niece, kuya." I snorted, making him chuckle.

Matapos no'n ay natahimik kaming dalawa. Gusto kong magsalita pero hindi ko naman alam ang sasabihin. It's been a week since we got here in Canada and in a week, we don't talk much or even see each other because he's busy. Palagi siyang nasa hospital para samahan si Lola sa pagbabantay kay Lolo habang ako naman ay nasa loob lang ng kwarto dahil nagkasakit ako ng ilang araw dahil na rin siguro sa paninibago ng katawan ko sa klima rito, pero maayos naman na ang pakiramdam ko ngayon.

"What are you feeling? Galing ka na ba talaga? Kakagaling mo lang sa sakit baka mabinat ka. You're okay now?" Sunod-sunod na tanong niya na bumasag sa katahimikan na namagitan sa aming dalawa.

Hinimas ko ang mug na hawak ko gamit ang hinlalaki para madama ang init na nanggagaling sa kape.

"Maayos na ang pakiramdam ko kuya kaya 'wag ka nang mag-alala." Sabi ko sa kaniya pagkatapos ay sumimsim ako ng kape.

"Maayos nga ba talaga?"

Napalingon ako sa kaniya dahil sa tanong niyang 'yon. Eksakto namang nakatingin na pala siya sa'kin kaya naman kitang-kita ko ang pagiging seryoso ng mukha niya.

"I'm really fine kuya.."

Umiwas siya ng tingin sa'kin. "He apologized to me."

"H-Huh?"

Nilingon niya ako at marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Why are you pretending to be okay even if you're not?"

"Hindi kita maintindihan kuya." I murmured in a shaky voice.

A faint smile crept to his lips. "I'm just here.. you know that.. bakit nilihim mo 'to kay Kuya huh? You don't have to carry the pain alone. I'm here, Rainy.."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sariling umiyak ngunit hindi ako nagtagumpay nang mas lumapit pa sa'kin si Kuya Ivan para marahang igaya ang ulo ko patungo sa balikat niya.

"I know you're in pain. Just cry.. I'm just here, Rainy." Bulong niya sa'kin pagkatapos ay inakbayan niya ako at hinalikan sa noo.

"Share the pain with your Kuya.. it's okay, everything will be just fine.. you don't have to hide it. Umiyak ka lang hanggang sa mawala na ang sakit. Nandito lang ako, hindi ka iiwan ni Kuya kahit kailan."

SeventeenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora