Chapter 12

96 2 0
                                    

Chapter 12 : "Flowers."

"I'll be frank with you, Rain. Kung hindi mo ako nakita kanina ay hahanapin pa rin kita. Nakiusap sa'kin si Kenneth na pilitin kang kausapin siya. Don't worry, he promised na hindi ka niya pipiliting makipagbalikan sa kaniya. He just want to talk to you. Sana kausapin mo siya."

I glance at my phone to check the time. It's already 2:00 PM in the afternoon. 'Yung plano kong mag-cut class ay hindi natuloy dahil nabalitaan namin ni Honey na magpapa-quiz 'yung last subject teacher namin.

We still have thirty minutes before dismissal but I already finished our fifty item quiz. Naging madali lang ang pag-sagot ko sa quiz dahil inaral naman namin iyon lahat.

I stare outside of our classroom's windowpane, arms cradling my head on my desk as I think about what Rachelle said before we part ways a while ago. Siguro nga tama siya na dapat kausapin ko si Kenneth pero may pag-aalinlangan pa rin ako. Aminin ko man o hindi sa ibang tao pero ang totoo ay affected pa rin ako sa presensya, ginagawa at kilos ni Kenneth. Hindi ko nga alam ang gagawin ko nang bigla na lang siyang sumulpot e. Umiyak pa nga ako nung una ko siyang makita ulit after two years.

Sa tagal kong nakatulala ay halos nagulat pa ako nang magpasahan na sila ng mga papel sa unahan. Iyon na 'yon? Thirty minutes na ang lumipas? Grabe, ang tagal ko na pa lang nakatulala.

"Halika, umuwi na tayo. Alam ko namang kailangan mo nang umuwi."

"Nandito pa si ma'am o." Tinuro ko pa si ma'am na kasalukuyang inaayos ang mga questioners ngayon sa teacher's table.

"Di mo ba narinig? Ang sabi nga di ba, kapag napasa na ang questioners at answer sheets pwede nang umuwi."

"Ah, ganon ba. Hindi ko narinig e."

"Lutang ka na naman kasi."

Tumayo na ako at sinukbit ang strap ng bag sa kanang balikat ko. As usual, nag-ayos na naman si Honey. Akala ko pa naman papanindigan na niya ang hindi pagme-make up.

"Meadow, huwag ka nang magbanggit about kay Kenneth kapag kaharap 'yung best friend mo huh? Baka kasi spy 'yon ni Kenneth e."

"Spy ka d'yan. Anong akala mo nasa isang movie tayo?"

"Sa itsura kasi ng Kenneth na 'yon alam mong kayang gumawa ng mga ganong bagay. E, patay na patay sayo 'yung gunggong na 'yon."

"Huh?" Ano bang sinasabi ni Honey? Wala naman akong binabanggit sa kaniya about sa amin ni Kenneth huh?

"Wala, halika na. Baka hindi mo na maabutan 'yung tatay mo sa bahay niyo."

"Ay oo nga pala."

Agad na kaming lumabas ng classroom ni Honey kahit pa hindi pa siya tapos maglagay ng lipstick.

Sana naman nasa bahay pa si dada. I want to say sorry for what I acted yesterday. Hindi iyon tama at sa tingin ko ay masyado din akong nag-overreact kahapon. Sa inakto ko kahapon baka kung ano nang iniisip ni dada tungkol kay Kenneth ngayon. Kahit saang anggulo tignan ako talaga ang may mali.

"Hi, sabay ako sa inyo palabas." Nginitian ko si Rachelle nang tumabi siya sa amin ni Honey.

"Saan ka na nga pala nakatira ngayon?"

"Katulad pa rin ng dati walang permanent address. Pero sa ngayon nakikituloy ako sa kapatid ng papa ko."

"Kaawa-awa ka naman pala." Sabat ni Honey habang tinitignan pa rin nito ang mukha niya sa maliit na salamin na hawak niya habang naglalakad kami.

"Sinabi mo pa." Sagot naman ni Rachelle.

"Teka, saan nga pala ang daan mo, Rachelle?" Tanong ni Honey kay Rachelle. Nasa gitna nila akong dalawa ngayon kaya nag-uusap sila ng hindi tinitignan ang isa't-isa.

SeventeenWhere stories live. Discover now