Chapter 31

87 3 0
                                    

Chapter 31 : "Reasons & Explanations."

Honey cried for hours a while ago and the whole time that she's crying I never leave her side until she falls asleep, dahil na rin siguro sa sobra niyang pag-iyak. Nakahiga si Honey ngayon sa pahabang sofa at mahimbing pa rin itong natutulog habang ako naman ay nakaupo sa pang-isahang sofa habang hinahaplos ang pa rin ang kaniyang buhok.

Ilang oras na rin ang lumipas magmula ng makatulog si Honey pero hindi pa rin bumabalik si Kenneth. Kailangan ko na kasing umuwi dahil hindi naman ako nakapag-paalam kanina, basta na lang akong umalis ng mansyon kaya malamang nag-aalala na sa'kin sila Kuya Ivan ngayon. Kaya lang, hindi ko naman pwedeng iwan na lang basta mag-isa si Honey rito.

Nagbalak ako kanina na mag-text kay Kuya Ivan kaso bigla namang nag-shutdown ang cellphone ko dahil lowbat. Kinakabahan na tuloy ako dahil malamang hindi lang sermon ang sasalubong sa'kin pag-uwi ko.

Nasan na ba kasi si Kenneth?

Naawa na rin kasi ako sa family driver namin na nalimutan ko ang pangalan dahil matagal na rin itong naghihintay sa'kin sa labas.

Matapos ang ilang minutong paghihintay bumukas bigla ang pintuan at iniluwa no'n si Kenneth na medyo basa pa ang buhok at bago na ang suot na damit.

"Sorry ngayon lang ako nakabalik. Kumain at naligo pa kasi ako e, bumili na rin ako ng mga bagong damit para kay Honey kagabi niya pa kasi suot 'yang damit niya."

Tinitigan ko si Kenneth habang nilalapag nito ang paper bag na binili nito para kay Honey habang humihikab.

"Kagabi pa kayo rito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Humarap sa akin si Kenneth at inabutan niya ako ng apple juice na tinanggihan ko naman. I still doesn't want to talk to him but I don't want to be rude, dahil kung hindi dahil sa kaniya baka kung ano nang nangyaring masama kay Honey.

"Yeah, can't leave her alone." Sagot sa akin ni Kenneth pagkatapos ay umupo ito sa pang-isahang sofa.

Nagawi ulit ang tingin ko kay Honey na ngayon ay mahimbing pa ring natutulog. I feel responsible for everything. Kung kinausap ko na lang sana siya ng maayos nung magkita kami sa restaurant siguro hindi na siya hahantong sa ganito. Kung hindi ko lang sana binalewala ang laslas sa pulsuhan niya e di sana wala siya rito ngayon. It's my fault. Hindi ko dapat basta binalewala lang ang mga 'yon.

"Thank you," nag-salitang muli si Kenneth kaya napatingin ako ulit sa gawi niya.

"For what?"

"Sa pagpunta mo rito ngayon." Sagot niya habang nakatingin siya kay Honey.

"You don't need to thank me, she's my friend. Kahit nasan pa kong panig ng mundo kung kailangan niya ako pupuntahan ko siya." Sagot ko kay Kenneth pagkatapos ay sinalubong ko ang mga mata niyang sa akin na pala nakatingin.

"Isa pa, thank you for still considering her as your friend after—"

"After all the things you made her do just to get informations about me, iyan ba ang gusto mong sabihin?"

"Meadow..." Tawag niya sa ngalan ko na tila ba gusto niyang magpaliwanag.

"Bakit mo ba 'yon ginawa huh? Anong mapapala mo sa mga impormasyon na sinasabi sayo ni Honey huh?"

"I'm just trying to protect you. Why can't you see that?"

"Protect me from what?"

"From Theo, Meadow."

I sarcastically laugh. "Theo? Si Theo na naman? Hindi ka pa ba nagsasawa huh? He's my boyfriend and I know him. Kung sino man sa inyo ang hindi ko dapat pagkatiwalaan ikaw 'yon, hindi siya."

SeventeenWhere stories live. Discover now