Chapter 33

102 3 0
                                    

Chapter 33 : "White Roses."

"Hindi talaga pwede 'tong nakikita ko e. Wala pa nga akong pinapasa na kahit ano! Kaya bakit sa record niya kumpleto ang outputs and projects ko? Tapos pati assignments kumpleto ako? Ang tagal kong hindi pumasok tapos kumpleto ako sa lahat?" Hindi makapaniwalang sabi ni Honey habang nakatitig ito sa hawak niyang class record na basta na lang niyang kinuha sa loob ng bag ni Clyde na class president namin ng walang paalam.

Kahit ako ay nagtataka rin. Paano naman kasi mangyayaring kumpleto siya sa lahat e ako nga na palaging pumapasok may kulang, siya pa kayang ilang linggong hindi pumasok. Napaka-imposible 'di ba?

"Ano ba kasing problema mo? Dapat nga maging masaya ka pa na kumpleto ka sa lahat." Sabi ko kay Honey sabay inom sa medyo mainit ko pang kape.

"Hindi naman kaya may gusto sa'kin si Clyde? Kaya kinumpleto niya ako sa lahat?"

Inirapan ko siya. "Malamang! Lahat naman dito sa classroom halatang may gusto sayo e."

Ibinaba ni Honey ang class record na hawak niya at nginitian niya ako ng nakakaloko.

"What?"

"So may gusto ka rin sa'kin? Is this your way of saying that—"

"Clyde! May itatanong sayo si Honey." Pagsigaw ko kay Clyde na palakad pa lang papasok sa room para hindi na matuloy pa ni Honey ang gusto niyang sabihin.

"Hoy Zamora lintek ka! Anong kagaguhan ang pinagre-record mo huh? Halika ka rito!" Sigaw ni Honey kay Clyde sabay kuha sa class record at punta sa kinaroroonan ni Clyde.

Mabuti na lang napunta na kaagad kay Clyde ang pansin ni Honey. Alangan naman kasing umamin ako sa kaniyang crush ko siya 'no? Magkamatayan na pero hinding-hindi ako aamin.

Isang linggo na ang lumipas, sa awa ng Diyos maayos na si Lolo at kasalukuyan na itong nagpapahinga sa mansyon. Nag-umpisa na rin ang pasukan kaya medyo busy na ulit ako. Si Dada naman, isang linggo ko nang hindi masyadong kinakausap kung hindi naman kailangan. Pinapansin ko pa rin siya pero alam kong alam niya na may sama pa rin ako ng loob sa kaniya dahil isang linggo na rin siyang nagpapapansin sa'kin para kausapin ko siya. Hindi naman ako galit sa kaniya nagtatampo lang ako dahil sa hindi niya pagtupad sa pangako niya sa'kin.

Napatayo akong bigla at napatigil sa pag-iisip ng makita kong biglang kinuwelyuhan ni Honey si Clyde.

"Anong sinabi mo? Ulitin mo ngang bwiset ka!" Sigaw ni Honey sa namumutlang si Clyde.

Kaagad akong pumagitna sa kanilang dalawa at inalis ko rin ang kamay ni Honey sa mahigpit nitong pagkapit sa kwelyo ng uniform na suot ni Clyde.

"Ano ba 'yun? Bakit mo naman kinukuwelyuhan si Clyde. My goodness Honey!"

"Kung anu-ano kasing nalabas sa bunganga ng gago na 'yan kaya parang gusto kong paduguin." Nanggigigil na paliwanag sa'kin ni Honey.

"Ano ba kasing nangyari, Clyde?"

Inayos ni Clyde ang uniform niya pagkatapos ay tumingin ito sa akin para magpaliwanag.

"Pinapaliwanag ko lang naman na kumpleto siya sa lahat dahil doon sa babaeng dalawa ang kulay."

Susugudin na naman sana ni Honey si Clyde mabuti na lang at kaagad kong napigilan si Honey sa balak niyang gawin.

"Babaeng dalawa ang kulay? Talaga? Iyan ang sinabi mong gago ka? Kung iyan ang sinabi mo nung una pa lang e di sana hindi ko gustong basagin ang bungo mo ngayong gago ka! Ang sabi mo kaninang kupal ka, kaya ako kumpleto dahil 'yung babaeng dalmatian ang nagbibigay ng mga kulang ko. Iyan ang sinabi mo 'di ba?!"

SeventeenWhere stories live. Discover now