Chapter 14

82 3 0
                                    

Chapter 14 : "A Strange Shrill."

While drying my hair using a towel I couldn't stop myself from smiling. Para na akong tanga na nakangiti dito mag-isa sa kwarto ko. Nang tanggalin ko ang panyo na binigay ni Theo sa buhok ko kanina bago ako naligo ay nilapag ko iyon ng maayos sa kama ko. Kelan niya kaya ito ginawa? I never thought that he could paint. Marami pa talaga akong bagay na hindi alam pagdating kay Theo.

Umupo ako sa may swivel chair ko pagkatapos ay binuksan ko ang laptop ko. Marami kasi akong kailangang i-search. Tinatambakan na talaga kami ng mga gawain. Binato ko ang tuwalya ko sa may kama pagkatapos ay nag-search na ako sa google.

Basa pa ang buhok ko at hindi pa ako nagsusuklay pero hinayaan ko na lang na ganon iyon. Marami pa naman akong gagawin atsaka isa pa hindi pa naman ako inaantok.

Kinuha ko 'yung assignment notebook ko at ipinatong ko iyon sa study table. Chineck ko kung ano pang mga assignment. 'Yung iba lang kasi ang natatandaan ko. I spent thirty minutes searching and answering my assignments kaya naman nang matapos na ako ay nag-unat muna ako. Ginutom ako sa pagsagot sa assignments ko kaya naman pumunta muna akong kusina para kumuha ng pwedeng makain.

Naabutan ko sa kusina si Kuya Ivan na nainom ng tubig at nakapang-alis ito. He's wearing a plain white t-shirt, ripped jeans and a white Balenciaga sneakers. Mukhang may gala talaga siya ngayong gabi.

"Saan ka pupunta kuya?"

"You want some snacks? Bumili ako ng chocolate syrup kanina atsaka ng apples. Ipaghihiwa kita ng mansanas kung gusto mo."

"That's very tempting kuya pero saan ka nga pupunta?" Kinamot niya ang batok niya at mukhang problemado ito.

"Alright, sasabihin ko na sayo pero huwag kang magsusumbong kay nanay ha."

"Ano ba kasi 'yon?"

"Mambababae saan pa ba ako pupunta?"

"Kuya!"

"What?"

"Isusumbong kita."

Hindi kasi ako naniniwala sa sinasabi niya. 'Yung huling beses kasi na umalis siya ng gabi ay sumali siya sa isang drag racing.

Binuksan ko ang fridge at kumuha ako ng mansanas sa loob no'n pagkatapos ay binato ko iyon sa kaniya.

"Meadow!"

"Tumigil ka kuya. Delikado 'yon! Isusumbong talaga kita."

Kinamot niya ang batok niya at inirapan ako.

"Delikado ka d'yan? Pupunta lang ako sa bar nila Jetro anong delikado do'n."

"Talaga?"

Tumango lamang siya sa akin at pinulot 'yung mansanas na binato ko sa kaniya kanina pagkatapos ay kumuha siya ng kutsilyo at binalatan ang mansanas.

"Kuya huh."

"Oo nga kulit mo." Pagkatapos niyang hiwain ang mansanas ay kinuha niya 'yung chocolate syrup sa loob ng fridge.

Bukod kasi sa drag racing pinagbabawalan rin siyang mambabae ni Lola. Baka daw kasi makabuntis agad si Kuya Ivan. Hindi pa financially stable si kuya at puro kalokohan ang nasa utak. Kung sakaling makakabuntis man si kuya ay magiging kawawa lang 'yung babae.

Nilagay ni kuya ang hiniwa niyang mansanas sa isang plato at nilagyan niya iyon ng chocolate syrup sa ibabaw. Binigyan niya ako ng tinidor, agad ko naman iyong kinuha at tumusok ako ng isang mansanas.

"Dito ka matutulog kuya?"

"Depende kung anong oras ako makakauwi. Malapit lang kasi 'yung bar ni Jetro sa may condo unit ko e."

SeventeenWhere stories live. Discover now