Chapter 40

208 6 6
                                    

Chapter 40 : "🦋"

I don't know how I went home with a heavy heart and a hazy memories of our encounter a while ago that keeps on running to my mind until now. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. I don't know if I'm hurt, disappointed or sad about it; I just know that I'm not fine.

Pagkauwi ay kaagad kong sinilip si Kurt sa loob ng kwarto niya at nang makita kong mahimbing pa rin siyang natutulog ay lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa noo bago ako lumabas ng walang ginagawang kahit anong ingay sa kwarto para hindi siya magising.

Nagtungo ako sa kusina para sana kumuha ng maiinom ng makakita ako ng dalawang bote ng alak sa loob ng refrigerator na paniguradong kay Dada. Hindi ko alam pero bigla akong naramdaman ng uhaw para doon kaya imbis na tubig ay mas pinili ko iyong kunin at buksan. Nakainom naman na ako ng alak noon sa Canada pero kahit kailan ay hindi ako naadik sa alak. Sa katunayan, ngayon na lang ulit ako iinom makalipas ang isang taon.

I just hope that my hangover wouldn't be a bitch this time.

Matapos kong buksan ang bote ng alak ay naglakad ako patungo sa living room at doon nagsimulang inumin ang alak.

"He doesn't remember me.." I murmured while playing with my drink inside of its bottle.

Nakalimang inom na ako at nararamdaman ko na rin ang tama ng alak sa sistema ko ngunit hindi iyon naging hadlang para ipagpatuloy ang pag-inom ko.

Nang malapit ko nang maubos ang isang bote ng alak ay nag-umpisa na ring bumigat ang pakiramdam ko.

Suddenly, I want to cry. Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong umiyak, so I did.

I cry hard while clenching the hem of my cardigan. Hindi ko alam pero sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kailangan na kailangan ng mga luhang 'to na lumabas mula sa mata ko. Hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman. Hindi ko alam.

"Ate?"

When I heard Kurt's voice at my back I panicked. Hindi ko alam kung anong uunahin, ang pag-aayos ba ng sarili o ang pagtigil sa paghikbi ngunit sa sobrang taranta wala akong nagawa kahit isa doon. Hindi ko na lang siya sinagot at nanatili akong nakatalikod sa kaniya habang pilit tinatago ang aking paghikbi sa pamamagitan ng pagkagat sa labi.

Pinikit ko ang mata ko nang maramdaman ko ang paglapit sa'kin ni Kurt ngunit naimulat ko rin iyon ng maramdaman ko ang pagbalot ng maikli niyang braso sa gilid ng bewang ko.

"Cry ka lang. Hindi ako mag-ii-speak.." Mahina niyang sabi sa'kin na siyang nagpakawala sa luha at hikbi na kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak pero katulad ng sinabi ni Kurt ay hindi nga siya nagsalita. Hinayaan niya lang akong umiyak habang yakap niya ako.

Nang medyo kumalma na ako ay kinalas na ni Kurt ang braso niya sa bewang ko pagkatapos ay lumapit siya sa mukha ko at pinunasan ang pisngi ko gamit ang palad niya.

"Why you're sad?" He asked.

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko sabay halik doon.

"I don't know.." I answered.

He cutely pout his lips. "Maybe you miss someone.."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "I miss someone?"

Tumango siya. "Yes, kasi sometimes I cry not because sad ako, kasi miss ko si mommy.. ikaw? Sinong miss mo?"

I almost laugh when my mind automatically think about his name.. Nakakatuwang isipin na parang nabura lahat ng nangyari sa loob ng limang taon dahil lang sa ilang minuto naming pagkikita.

SeventeenWhere stories live. Discover now