Chapter 38

86 2 1
                                    

Chapter 38 : "Over a cup of Coffee."

"You guys did a great job today kaya pwede na kayong umuwi. Mag-ingat kayo sa pag-uwi huh? Ako nang bahala sa café." Sabi ko habang pinupunasan ang paboritong mug ni Lolo.

"Sige po ma'am. Ingat rin po kayo sa pag-uwi." Sabi ni Arthur. Inangat ko ang tingin sa kaniya at nginitian siya.

"Salamat Arthur. Sige na, alam kong pagod kayo, ako nang bahala rito."

"Sus, kaya mo siguro maagang sinara 'tong café ma'am kasi dito kayo magde-date ng secret jowa mo 'no? Tapos pinagtatabuyan mo na kami kasi parating na siya." Nakangusong sabi ni Jules na siyang ikinatawa ko.

"Jules, oo may ka-date ako ngayon pero hindi ko secret boyfriend. Si Lolo Randy ang hinihintay ko kasi, like what you said, magde-date kami." Nakangiting paliwanag ko sa kaniya.

"Oh nakita mo na Jules, puro ka kasi issue, 'yan napahiya ka tuloy." Pang-aasar ni Danica kay Jules.

"Manahimik ka nga! Halika umuwi na nga tayo baka parating na si Sir Randy." Aya ni Jules sa mga katrabaho niya na nakapagpatawa sa'kin. Naglakad na sila palabas ngunit bago sila tuluyang makalabas ay kumaway pa sila sa'kin.

"Sige na umuwi na kayo. Ingat sa pag-uwi!"

Nang tuluyan na silang makalabas ay pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagpupunas sa paboritong mug ni Lolo. At nang matapos na akong magpunas ay chineck ko naman ang cellphone ko para tignan kung may message na doon si Lolo pero nang makita kong wala ay nagdesisyon na lang akong umupo muna.

Magmula ng makasurvive si Lolo at magising ako mula sa pagkaka-comatose noon pinangako sa'kin ni Lolo na hindi kami magsasayang ng oras. Kaya naman magmula ng no'n palagi na kaming namamasyal at nagde-date. Noon kasi masyadong naging abala si Dada sa pagma-manage ng mga negosyo kaya ang palagi kong kasama ay si Lolo. Si Lola naman kasi ay abala sa pag-aalaga kay Kuya Ivan. Kaya kaming dalawa lang talaga ang halos magkasama sa araw-araw.

Tumunog ang cellphone ko kaya naman kaagad ko iyong kinuha mula sa pagkakapatong sa round table. Napapikit ako ng mariin at napabuntong-hininga ng makitang si Mamu ang tumatawag.

"Hello Mamu..."

"I assume you already know why I call you.."

Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay tumayo para kunin ang cross body bag ko.

"Nasan ho si Kuya Ivan?" Tanong ko habang naglalakad palabas ng café.

"Get this good for nothing son of bitch out of our mansion or else, sa prisinto niyo na 'to pupulutin." After that she ended the call. Kaya mas lalo lang akong kinabahan.

"Ma'am saan ho kayo pupunta? Hindi na po ba dadating ang lolo niyo?" Tanong sa akin ni Mang Nicholas bago pa man ako makalabas ng café.

"Uhm, pwede po bang pakisabi kay Lolo na hintayin ako dito? Pakisabi po mabilis lang ako may kailangan lang po kasi akong puntahan."

"Okay ma'am sasabihin ko po."

I smile a bit. "Thanks Manong Nicholas." Sabi ko sabay marahang tapik sa balikat niya bago ako tuluyang lumabas at pumasok sa loob ng kotse ko.

To be honest, hindi ko na alam ang dapat kong gawin para matauhan si Kuya Ivan na ayaw na siyang makita ni Ate Jhocas. Sa nakalipas na limang taon wala siyang ginawa kundi mag-inom, magtangkang magpakamatay at pumunta sa mansyon nila Mamu at magmakaawa sa mga tao roon na palabasin si Ate Jhocas. Sa mga ginagawa niyang 'yon hindi ko maiwasang masaktan. Alam kong sobrang sakit para sa kaniya ng nangyari pero hindi naman siguro tama na basta na lang niyang itapon ang buhay niya ng ganon.

SeventeenWhere stories live. Discover now