Chapter 35

131 8 5
                                    

Chapter 35 : "Starry Night."

I could still vividly remember the night that I first saw the real him; the real Theo. It's the night where I saw him miserably sitting on the pavement outside of Tita Anastasia's mansion. Noon, hindi ko alam kung bakit siya nasa labas ng mansyon ni Tita Anastasia na ganon ang itsura at kung bakit matapos ang gabing 'yon na nakilala ko siya ay palagi ko pa rin siyang naaabutan sa labas ng mansyon. It is a big question to me before but not anymore because I already know the truth. He's there that night because he wanted Tita Anastasia to see him in that state to gain her attention and sympathy but unfortunately I was the one who went outside that night, not her. And even after that night, he's always outside of Tita Anastasia's mansion. Before, I was happy because I thought he's there to see me, but I was wrong because it is her he wanted to see not me. It was never me. It always been her; Tita Anastasia or should I call her Everly now? I don't know anymore.

I can't believe that from the very beginning he really had me fooled.

"So you're leaving?" Tanong sa akin ni Kenneth na ngayon ay nakaupo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa isang convenient na malapit lang sa bahay ko. Ayaw ko kasing umuwi na namamaga ang mata dahil paniguradong magtatanong si Dada at wala akong balak ipaalam pa sa kanila ang nangyari sa amin ni Theo.

"Yeah.." I said before I carefully sipped on my cup of hot coffee.

Ilang minuto kaming natahimik bago siya muling nagsalita.

"So what's your plan?" Tanong niya sa'kin kasabay ng pag-inom niya ng kape.

"Plan to what?" I innocently asked after I placed my palms in between the cup of coffee.

"To your relationship with Theo..." He straightforwardly said.

Huminga ako ng malalim at pinikit ko ang aking mata para maramdaman ang init na nagmumula sa baso ng kape na hawak ko.

"I know he has his reasons..." I murmured.

"He used you, Meadow. Hindi pa ba malinaw sayo na sa umpisa pa lang alam na niyang may kinalaman ka kay Anastasia pero tinuloy niya pa rin ang paglapit sayo. Pinlano niya lahat."

Minulat ko ang mata ko at tinignan ko siya.

"So what kung iyan nga ang ginawa niya? Ang gusto ko lang ay marinig 'yun mismo mula sa kaniya. Gusto kong manggaling mismo sa kaniya ang mga rason niya. I can't fully blame him dahil may pagkakamali rin ako, masyado akong nagtiwala. Kaya naman gusto ko siyang makausap.. naging ganon lang ang reaksyon ko kanina dahil sa halo-halong emosyon na naramdaman ko pero ngayon na nahimasmasan na ako mas nananaig sa'kin ang malaman ang rason niya kaysa sa pagtatanim ng galit." Pagkatapos kong magsalita ay yumuko ako at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilin ang sarili kong umiyak.

"Why can't you just leave him?"

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya pagkatapos ay pilit ko siyang nginitian.

"Because I love him and for someone who just used me, he made me feel that I mattered. I can't just leave him kasi kahit ginamit niya lang ako sobra niya akong napasaya.." As tears rolled down to my cheeks I lower down my gaze to hide my face.

Naging tahimik lang si Kenneth habang ako ay patuloy pa rin sa pag-iyak ng tahimik. Ilang minuto pa ang lumipas at wala pa ring nagsalita sa aming dalawa.

Nang maramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Kenneth sa likuran ko ay napatingin ako sa gawi niya pagkatapos ay pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.

"If you want to talk to him.. pwede kitang tulungan para makausap mo siya. If you want, pwede tayong bumalik sa penthouse niya sasamahan kita."

"Why are you doing this?" Tanong ko sa kaniya.

SeventeenWhere stories live. Discover now