Chapter 6

143 4 0
                                    

Chapter 6 : "The Letter."

Huli na nang ma-realize ko na hindi pa pala ako nakakapagpasalamat kay Theo dahil sa ginawa niyang pagligtas sa'kin. It's been weeks since that day. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng saya sa tuwing naaalala ko ang nangyari doon sa abandunadong building. Hindi man naging matagal ang pag-uusap namin pero sa sandaling mga oras na 'yon pakiramdam ko pinapasok na niya agad ako sa mundo niya. And he even let me borrow his book!

"Bigla bigla kang nangiti d'yan? Nababaliw ka na?" Tinignan ko ngayon si Honey sa gilid ko. Naninibago nga ako sa itsura niya ngayon e. Wala kasi siyang make up tapos nakasuot pa siya ng oversized t-shirt na panglalaki tapos maong above the knee short at flip-flops.

Papunta kami ngayon sa bahay namin. May pinagawa kasing two pages reaction paper na kailangan printed. Dahil walang laptop si Honey I suggested na pahiramin na lang siya. I have two laptops naman kaya okay lang kung hihiramin niya muna 'yung isa.

Sa loob ng isang linggo na iyon medyo marami na kaming ginagawa sa school. Marami na ring pinabili samin ang bawat teachers na materials na gagamitin namin sa bawat subjects. Sa dami ng mga assignments everyday pakiramdam ko isang buwan na ang lumipas.

"Wala may naalala lang ako." Pagdadahilan ko sa kaniya.

Pumasok na kami sa bahay. Sobrang tahimik sa bahay namin ngayon dahil wala si dad. He went abroad dahil may kailangan daw silang i-close na deal. Which is hindi ko na masyado pang inalam dahil hindi ko rin naman maiintindihan ang gagawin niya don. I sometimes hate my dad's work dahil biglaan lagi lahat ng lakad niya. Like, yesterday nagmo-movie marathon kaming dalawa tapos may tumawag sa kaniya pagkatapos no'n nagulat na lang ako nang magbihis si dad ng formal attire niya tapos sinabi niya sa'kin na he might be away for two or three days because he need to go abroad for business. Hindi naman sa nagre-relakmo na ako. Kakalungkot lang kasing maging mag-isa na lang palagi sa tuwing may biglaan siyang aasikasuhin.

"Grabe, ang laki naman nitong bahay niyo pero ang tahimik naman masyado." Sambit ni Honey nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Pinaupo ko siya sa may couch at nagpatimpla ako kay Ate Maureen ng juice.

Ate Maureen is our maid here. Mag-isa lang siyang naglilinis ng buong bahay namin. Ayaw kasi ni daddy ng masyadong maraming katulong sa bahay dahil kaming dalawa lang naman ang natira dito. All around maid si Ate Maureen dito sa bahay namin. 38 years old na siya. Kahit pa mag-isa lang siya ay sinigurado naman ni dad na doble ang pasahod niya kay Ate Maureen. Nakakahiya naman kasi kung hindi doble ang sahod niya tapos siya lang ang maglilinis sa buong bahay e may kalakihan pa naman itong bahay namin.

"Wala kasi si daddy e baka sa Tuesday or Wednesday pa siya makakauwi."

"Bakit ano bang trabaho ng daddy mo?" Nilapag na ni Ate Maureen ang juice sa mesa at agad na rin itong umalis.

"Businessman si daddy kaya naman matagal talaga siyang nawawala. Nasanay na rin ako." Kumuha ng baso si Honey at nagsalin ito ng juice sa baso niya.

"Wow, big time ka naman pala talaga! Kung ganon bakit sa public school ka nag-aral?"

"Well, my dad graduated highschool in a public school. Ang sabi sa'kin ni dad gusto niya daw maranasan ko ang normal na buhay. At mas masaya daw sa public school."

"Aba oo naman 'no! Kung sa private school ka siguro nag-aral baka sobrang arte mo na at baka nilustay mo na lahat ng yaman ng tatay mo."

SeventeenWhere stories live. Discover now