Chapter 21

97 3 0
                                    

Chapter 21 : "Her."

Hindi 'ko namalayan na nakatulog pala ako dito sa sofa ng penthouse ni Theo. Nagising lang ako nang maramdaman 'kong may dumidila sa mukha 'ko. Nang imulat 'ko ang mata 'ko ay nakita 'ko si Gatz sa harap 'ko. Napangiti ako dahil doon.

"Where's your daddy? Uhm?"

He turned his back on me, showing his cute heart shaped bum. Umayos ako ng upo at tumingin sa paligid. Nakita 'ko si Gatz na humiga sa dibdib ni Theo na ngayon ay mapayapang natutulog sa sofa. I removed the duvet on my lap. Siguro si Theo ang naglagay nito habang natutulog ako.

Lumapit ako kay Theo at Gatz then I squatted in front of them. They look so cute together. Theo sleeping peacefully while Gatz is comfortably laying on his chest. What a wonderful view. I feel like a happy mommy looking fondly at my husband with our child.

Kulang nga siguro ako sa tulog kung anu-ano nang naiisip 'ko e. Anong oras na ba?

Now I regret leaving my phone to Kuya Ivan. Hindi 'ko tuloy alam kung anong oras na. Nang makita 'ko ang cellphone ni Theo na nakapatong sa glass table ay binuksan 'ko iyon. Wala naman akong ibang gagawin titignan 'ko lang 'yung oras. When I opened his phone I was surprised when I saw his wallpaper. It was a picture of me sleeping with Gatz who was also asleep next to me on the sofa.

Normal bang kiligin sa ganito kasimpleng bagay?

Bago 'ko pa man malimutan ang tunay 'kong balak ay tinignan 'ko kung anong oras na. It's already 2:04 AM. Hindi rin pala matagal ang naging tulog 'ko. Lumapit na lang ulit ako kay Theo at Gatz. Ngayon ay umupo na ako sa sahig habang ang baba 'ko ay nakapatong sa sofa kung saan nakahiga si Theo. Ayaw 'ko naman siyang gisingin. Alam 'ko kasing antok na antok siya kanina pa.

Habang nakatitig ako sa maputi at mahahaba niyang daliri ay parang gusto 'kong iangat ang sleeve ng hoodie jacket niya. Nung huling nakita 'ko kasi ang braso niya puro iyon sugat. Sa tingin 'ko siya ang may gawa no'n sa sarili niya nung araw na makita 'ko siya sa labas ng mansyon ni Tita Anastasia. Sinasaktan niya pa rin ba ang sarili niya kaya naja-jacket pa rin siya para maitago ang ebidensya ng ginagawa niya? O sadyang nasanay na lang siya na itago ang sarili niya sa pamamagitan ng jacket?

Hinawakan 'ko ang kamay niya at tinitigan 'ko iyon. Malinis ang kuko ni Theo at hindi iyon mahaba. I blush while looking at his hand. Naalala 'ko kasi 'yung pagkahilig 'ko sa malinis na paa at kamay ng mga lalaki. May naging crush ako noon kasi ang ganda ng paa niya at ang linis. Ewan 'ko ba. Ang lakas lang maka-turn on kapag ganon.

"Crush mo na kamay 'ko niyan?"

"Ay bwiset!"

Napatingin ako sa mukha ni Theo na ngayon ay gising na gising na. Ngumiti siya sa akin at hinila ang kamay naming magkahawak at nilapit niya iyon sa labi niya para halikan ang likuran ng kamay 'ko.

"Did I wake you up?"

He shook his head while yawning.

"Anong oras na?" Inalis niya ang butil ng luha sa gilid ng mata niya na bunga ng paghikab niya kanina.

"Alas dos na ng madaling araw."

Marahan niyang kinakamot ang katawan ni Gatz na nasa ibabaw pa rin ng dibdib niya ngayon.

"Ihahatid na kita pauwi."

Ipinatong niya ang magkahawak naming kamay sa dibdib niya habang kinakamutan niya pa rin si Gatz. Ako naman ay nakaupo pa rin dito sa sahig.

"Pero kasi gabi na. Ihahatid mo ako tapos wala ka namang kasamang umuwi."

"Nangako ako kay Tatay Randy na iuuwi kita kahit anong mangyari."

SeventeenWhere stories live. Discover now