Chapter 15

115 3 0
                                    

Chapter 15 : "Who is Everly?"

The aroma of newly baked cookies runs through my nostrils. Shit! Amoy pa lang mukhang masarap na. Saan ba nanggagaling 'yung amoy na 'yon?

"Sweetheart wake up." Kumapa ako ng unan habang nakapikit pa rin ang mata ko. Nang makahanap ako ng unan ay pinangtakip ko iyon sa tenga ko.

Ayaw ko pang gumising.

Naramdaman ko ang ginawang pagtanggal ni dada sa unan na nasa tenga ko.

"Gumising ka na. I baked cookies for you. C'mon, get up sweetheart."

"I'm still sleepy." I mumbles.

"Alright maybe I'll just gave these to Ivan. Kanina pa naman niya 'to gustong lantakan."

Agad akong bumangon at sinimangutan ko si dada. May tray na nakapatong sa gilid ng kama kung saan nakalagay ang cookies at isang baso ng tubig. Kinuha ko 'yung tubig at uminom.

"How was your sleep?" Pagkatapos kong uminom ay binalik ko iyon sa tray.

"It was a good sleep dada." He fondly smile at me.

"That's great! After eating take a quick shower magjo-jogging tayo."

"Dada ayaw ko." Maktol ko sa kaniya.

"Malapit ka nang mag-seventeen year old at dalaga ka na kaya dapat wala ka nang baby fats."

I heaves a sigh of defeat. Kahit kailan hindi naman ako nanalo kay dada.

"I'll be waiting downstairs sweetheart." He said before he exits. Wala na akong nagawa kung hindi ubusin ng mabilisan ang cookies. My dad is not good at cooking but he knows how to bake. Mom taught him how to bake. Paborito ko kasi ang cookies and cupcakes. Nung buhay pa si mommy ay hindi talaga masyadong natuto si dad mula kay mom kasi ang palaging sinasabi ni dad ay nand'yan naman daw si mommy para ipag-bake kaming dalawa. Pero nung namatay si mommy nag-aral talaga si dada kung paano mag-bake. Iyon na lang daw kasi 'yung bagay na pwede niyang gawin para sa akin na magpapaalala kay mommy.

I removed the duvet from my body and put it on the side. Tumayo na ako at ni-ready ko na ang mga susuotin ko. While preparing ay kumakain ako.

It's been a week since the day I cried onto my father's arms. Dito pa rin nakatira si Tita Anastasia pero hindi siya nagsasalita. Palagi lang malayo ang tanaw nito at gabi-gabi na lang itong binabangungot. Hindi na ako nag-abala pang magtanong kay dada dahil ayaw ko nang lumayo siya sa'kin dahil lang hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang mga tanong ko.

Magmula nung araw na 'yon ay talaga namang bumawi sa akin si dada. Hindi na siya umaalis sa bahay namin, palagi na rin siya 'yung naghahanda ng breakfast, hinahatid sundo na niya ulit ako, at nakikipag-bonding na ulit siya sa akin. Ang ayaw ko lang talaga ay 'yung closeness nila ni Tita Anastasia these past few days. I understand that my dad is worried of her but I hate the fact that she's being clingy to my dad. Palagi na lang niyang hinahanap si dada. Kung minsan habang nagmo-movie marathon kami ni dada ay bigla siyang sisigaw at hahanapin si dada. She's crazy. Dapat hindi na siya dito sa bahay dapat sa mental hospital na siya mag-stay. Hindi ko naman masabi iyon kay dada dahil paniguradong magagalit siya sa akin. Tita Anastasia is his best friend at hindi magandang masasama ang sinasabi ko sa kaniya pero hindi ko talaga mapigilang magsabi ng masasama lalo na kapag pakiramdam ko inaangkin niya si dada.

When I already finished eating I immediately take a quick shower. Hindi naman ako masyadong matagal maligo kaya agad rin akong natapos. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya pagkatapos ay nagbihis na ako. I choose to wear my black polypropylene long sleeve top, my below the knee leggings, and my running shoes. I tied my hair in a ponytail even if it's still a little bit wet. I'll just blow dry my hair after jogging.

SeventeenDonde viven las historias. Descúbrelo ahora