Chapter 1

1.1K 18 0
                                    

Chapter 1 : "First Day."

"Sweetheart, you take care okay? Have fun. And don't forget to make friends." After I kissed my father's cheek I step backward to face him. After that, I rolled my eyes at him.

"Dada, you've said that three times already." He chuckles.

"Can't help it, my baby girl is now a Señior Highschool student. Parang dati lang buhat buhat pa kita tapos ngayon you're soon to be college girl na."

"Dada..." Pinahid niya ang namuong luha sa mata niya bago niya ako niyakap ng mahigpit. I hugged him back.

"Alright, while I still manage to control myself from dragging you home, aalis na ako. Be a good girl. And make some friends. I love you, sweety."

"I love you more. Drive safely okay? Tell mom I miss her and I love her. Ba-bye!"

Hinintay ko munang maka-alis si Dada bago ako tuluyang pumasok sa malaking gate ng school.

It's my first day being an actual student. I mean, noon kasi homeschooled ako. Hindi ko na nga halos matandaan kung anong pakiramdam ng pumasok sa school dahil since fifth grade homeschooled na ako.

I lower my head while walking. Pakiramdam ko kasi lahat sila nakatingin sa akin. Pakiramdam ko tinititigan ako ng lahat ng estudyante na nakakasalubong ko. Hindi ko alam kung talagang nakatingin sila sa akin o napa-paranoid na naman ako.

I feel really awkward while walking kaya naman lumakad ako ng mabilis. Sa sobrang protective kasi ni Dada bago ako pumasok ngayon pumunta na siya dito sa school kahapon to get my class schedule and classroom number. Kaya naman ngayon hindi na ako pipila pa katulad ng mga estudyante ngayon na mahabang nakapila para hanapin ang section nila sa bulletin board.

Room 403. Room 403. Room 403.

Paulit-ulit kong binasa ang room number ko. Kinakabahan kasi ako at baka ma-late ako sa first day ko. I don't want to put a bad impression to my classmates and teachers at my first day.

Ang daming estudyante! Halos nagkakabanggan na ang mga braso namin habang naglalakad. Medyo makipot kasi ang daan kaya talaga namang magkakabungguan talaga. Muntikan na nga akong matumba dahil ang lakas ng pagkakabangga sa akin noong isang estudyante na hindi manlang nag-sorry. Pero hinayaan ko na lang. Baka ganito talaga sa public schools. Yes, my dada enrolled me in public school because he wants me to experience everything he experienced when he was in highschool. Nakipagtalo pa nga siya kay Mamita tungkol dito pero sa huli si Dada pa rin ang nasunod. Iba daw kasi ang saya sa public school instead sa private school. I don't know kahit naman kasi isa sa schools na 'yan hindi pa ako nakakapasok. So I let my dad decide on this. I trust him and I know that if he thinks that public school is the best school for me then it's the best for me.

"O, sige, sanggi lang ng sanggi mga punyeta. Ilag ilag 'din mga bwiset."

Napatingin ako sa babae na nasa harapan ko ngayon. May nakasanggi kasi sa kaniyang lalaki kanina. Sa lakas ng boses niya halos lahat ng estudyante napatingin sa kaniya.

"O? Tinitingin-tingin niyo? Alam niyo na ngang masikip kung ibalandra niyo 'yang mga katawan niyo feeling niyo maluwag ang daan. Oo, ang tatanga niyo!"

Narinig kong nagbulungan na lang ang ibang mga estudyante pero wala namang nagtangkang sumagot pa sa babae. Nang umabante na ang babae ng lakad napansin ko na kahit papaano ay napabilis ang paglalakad namin. Hindi na kasi katulad kanina na basta na lang kung makalakad iyong mga estudyante na pasalubong sa amin. Ngayon umiiwas na sila.

SeventeenWhere stories live. Discover now