SIMULA

297 11 0
                                    

I'm busy this past few days dahil sa pagpupuyat ko para sa isang project namin. Sumasakit na din ang ulo ko sa deretsyong paggawa nun.

"Jessica, kain na." Tawag sa 'kin ni Mommy. Bumaba na ako at nakisalo na sa kanila.

"Tapos na project mo?" Tanong sa 'kin ni Ate habang ngumu-nguya.

Nagkibit-balikat na lang ako at nag patuloy sa pagkain. Napapansin ko din na hindi ako masyadong pala-salita ngayon. Siguro dahil sa pesteng project.

Bumaling sa 'kin si Dad na nagtataka ang mga tingin. "May problema ba?"

I shook my head, "nothing, maybe stress.."

"Hindi pa ba tapos kasi 'yang project mo na 'yan?" Tanong na naman ni Ate.

Bumuga ako ng malalim na hininga bago mag salita. "Bibigyan ko pa ng explanation yung mga iba."

She sighed, "sige.. matulog ka na ng maaga, ako na gagawa."

Ngumisi ako ng wala sa oras, "You're the best." Tinignan ko siya.

She rolled her eyes, "Duh? Of course I'm the best."

Si ate ang hindi talkshit sa aming dalawa, maarte nga lang minsan. Nakuha ko na ang antok ko kaya nakatulog na ako.

••

"Good morning," bati ko sa kaibigan ko na masayang nag kukwentohan.

"Good morning, Jess, halika may sasabihin kami." Excited na hila sa'kin ni Meya. Bestfriend ko.

Nagpahila na lang ako at umupo na sa tabi nila. "Ano 'yun?"

"Sa section Mars," panimula ni Meya.

"Oh?" Tumaas ang dalawang kilay ko.

"Halos lahat ng gwapo nandun." Parang malungkot naman na ani Lisa. "May isang gwapo na transferee na nandun eh.."

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Eh yung mga magaganda?"

"Sa section Mars din." Sabay nilang sagot.

Nanlaki ang mga mata ko, "What?! Nandito tayo oh!" Tukoy ko sa aming tatlo.

"Oo.. syempre nandun Sina Dien, Reah, Chariza, at Giannie. Support natin 'yung mga kaibigan nating mga 'yun kahit abnoy sila." Si Meya. Nagtawanan kami. "Sadyang swerte nila dahil sila parin ang magkaka-klase isama mo na 'yung mga baliw na sina Mines."

"Magkaka-klase sila?"

"Oo, parang tayo. Magkaka-klase parin tayo diba?" Nagtawanan kaming tatlo at naisipan naming lumabas muna.

Naglakad-lakad muna kami at nagkukwentuhan at nagtatawanan. Minsan nililingon na kami ng ibang students kaya tumatahimik din kami. Nakakatuwa nga at naging kaibigan ko 'tong mga 'to eh. Naging abnormal kami.

Habang naglalakad napansin ko si Deinelky na magisang naglalakad sa may hallway. Parang wala siyang pakialam sa mundo at mukhang lasing pa kung maglakad dahil minsan parang wala siyang gana na ihakbang ang mga paa niya. Hanggang sa ginulat na siya ng mga kaibigan naming sina Chariza.

Malapit na kami sa gate dahil katapat lang 'yun ng dadaanin naming hallway. Nakita namin na magisa ding naglalakad ang matangkad, medyo payat at gwapo na lalaki. Nauna siya keysa saming tatlo kaya nandito kami ngayon sa likod niya at medyo malayo.

"Guess, kung anong section niyan.." turo ni Lisa sa naglalakad na lalaki sa harap namin.

"Sa Mars.. but.. I hope.. haha." Si Meya.

"Ikaw Jess?"

"I hope.. sa section natin." I said hoping habang pinagmamasdan siyang naglalakad.

I hope talaga.. kahit ngayon lang maging kaklase kita.

-

----------------------------------------------------------

Hi, readers. I'm just a little writer here hehe.. Tama ba? Keep reading lang mga ka-jeje ko diyan. Appreciate my stories that's enough for me. Paranas na din ng Votes or Comments diyan mga ka-dayszz.. love lots. Happy reading:)

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now