06

59 4 0
                                    

"Jess, napasa ko na pala kay principal yung presentation mo." Bungad sa'kin ni Kevin habang magisa akong naglalakad dito sa hallway dahil bumili pa ako ng ballpen.

Nginitian ko siya ng malawak. "Salamat ha." Pinilit niya kasi akong siya na lang ang magpasa ng presentation ko kaya binigay ko na.

"Saan ka ba pumunta?!" Pareho kaming napatigil sa lalaking nagsalita sa harap namin ni Kevin.

Si Mart.

"Mart," aniya sa pangalan ni Mart. "Pinasa ko lang yung presentation ni Jess tas saktong nag kasabay kami dito--"

"Hindi mo ba kayang ipasa ng magisa? Kailangan pa talagang utusan mo ang iba?!" Tanong niya sa'kin.

Napakurap-kurap ako ng ilang beses at tinitigan ng mabuti ang mukha niya. Ang gwapo niya talaga. Ano ang nangyayari sa kanya at galit na galit siya ng ganyan?

"Ha.. ano-- kasi--"

"Pinilit ko siyang ako na lang ang magpapasa." Singit ni Kevin dahil mukhang nahalata niyang hindi ako maka pagsalita. "May problema ba dun?" Parang nanghahamon na tanong niya.

"Wala nga akong pakialam eh,"

"Oh, bakit ka nandito?" Tanong ulit ni Kevin ng hindi ako nagsalita.

Sino ba naman ang hindi makaka pagsalita kung ang gwapo gwapo naman ng sumulpot ng biglaan sa harapan namin no.

"Tsk, may meeting tayo mamaya, lahat ng mga member ng dance troupe." Mart said na naka salubong parin ang kilay.

Wait.. dance troupe?!

"Dance troupe?" Wala sa sariling bigkas ko.

Pansin kong tinignan niya ako. Ang tangkad kasi tapos ang gwapo. "So?" Promise po ang cold niya.

"S-Sina Deinelky k-kasali?" Hindi ako maka tingin sa kaniya.

I heard that he chuckled so I looked at him. He's now smiling unlike early na mukhang galit sa mundo. "Oo naman.." naka ngiting sagot niya pero hindi naka tingin sa kin. "Walang matatawag na Dance Troupe kung wala siya.. she's the center." Kasabay nun ang malakas na simoy ng hangin na siyang pagbuntong hininga ko. "Thank you." Sabi niya na ikinagulat ko.

"S-Saan?" Takang tanong ko.

"For saying that beautiful name." Sabi niya at naka ngiting umalis sa harap namin.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Kung matutuwa dahil nag 'thank you' siya sa'kin o masasaktan dahil ang dahilan ng pag ngiti niya ay si Deinelky parin na hinihiling ko na sana ay ako na lang. Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako.

Nag patuloy na kami sa paglalakad pero hindi ko inaasahan na nagtungo na kami dito sa Park. Walang katao-tao at tahimik na lugar tsaka mahangin.

Taka kong tinignan si Kevin. "Bakit nandito tayo?" Tanong ko.

"Sinundan lang kita ha.." Sabi niya. Huminga siya ng malalim. "Siguro okay na dito muna tayo.. sasamahan kita. Alam kong nasasaktan ka." Aniya at inaya akong umupo sa damuhan na may mga malalaking halaman sa likuran.

Umupo din ako sa tabi niya. "Bakit mo alam?" Tanong ko.

"Ang alin?"

"Na nasasaktan ako." Naka tingin lang ako sa kawalan habang dumadampi sa amin ang masarap na simoy ng hangin.

Bahagya siyang tumawa. "Halata eh."

"How can you be so sure?"

"Kaibigan ko si Mart. Lahat ng mga babaeng tumitingin sa kaniya, alam ko, at isa ka na dun." Bigla niya akong nilingon ng blangko ang mukha. "Huwag mo ng i-deny, halata naman kung paano ka mautal kanina ng ngumiti siya at narinig ang pangalan ni Dein." Saglit na katahimikan ang namagitan saming dalawa. "Now, tell me, gaano mo siya kagusto?"

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now