07

55 5 0
                                    

Sabay na kaming bumalik ni Kevin sa room namin na mukhang wala namang teacher o iniwan na activities kaya naging panatag naman kami ni Kevin dahil dun.

Matapos ang pag da-drama ko kanina.. natawa na lang ako bigla. Pati galit at inis ko kay Baganella nasabi ko na sa kaniya.

"Uyyy.. nag date yung dalawa." Panunukso nila Lisa at Meya.

Natawa naman kaming dalawa ni Kevin. "Siguro.." ani Kevin na natatawa.

Pinalo ko siya saka ko siya sinamaan ng tingin. "Hoy! Baka maniwala 'tong mga 'to, uto-uto naman 'yang mga'yan eh." Saway ko sa kaniya.

"Tanginang 'to. At least never pa kaming umaasa--"

"Shut up, uto-uto's."

Bumalik na kami sa mga proper seats namin kasi biglang dumating ang teacher namin.

Wala namang masyadong nagawa. Discuss then recitation. Ganon naman talaga eh.

"Tara canteen." Aya samin ni Lisa. "Mart, sama ka?" Tanong niya kay Mart na nag aayos ng laman ng bag niya.

Nilingon niya si Lisa na blangko na naman ang mga mata niya. "Sure."

O_O

Ah?? Eh??

Sasama siyaaaaaa?

"Humm.. nangati bigla lalamunan ko ah." Ani Meya habang nag lalakad na kami patungo ng canteen.

Imbes na sumagot ay inirapan ko na lang ang dalawa. Tumabi ako kay Kevin na nasa unahan habang nag lalakad patungong canteen.

Gusto kong lumingon at tingnan si Mart pero baka mahuli ako ng mga kaibigan ko. Well, wala namang kwenta kung mahuli nila ako. Baka lang mahuli ako ni Mart at baka mas lalo pa akong sungitan.

Pagkarating na pagkarating namin sa canteen ay si Mart na agad ang unang nag order. Pasimple akong sumunod sa kaniya ganon na din ang mga kasama ko.

"Isang box ng spicy pizza po." Pasimple akong nilingon siya. Palihim akong napangiti sa pag galang niya kay ateng mukhang may edad na.

"Spicy? Kumakain ka na pala ng maanghang." Ani Kevin na naguguluhan.

Tumango naman si Lisa na mukhang pareho pa sila ni Kevin ng nasa isip. "Oo nga. Ayaw mo ng maanghang diba?" Tanong din ni Lisa.

Unang pumasok sa isip ko si Baganella. Siya lang naman ang may paboritong-paborito ang maanghang sa amin at posibleng siya din ang dahilan ang nakikita ko ngayon kay Mart.

"Ewan.. kahit ayaw ko, nagugustuhan ko eh.." ngumiti na naman siya.

Putanginang ngiting 'yan! Na kaka-inlababu!

Nakangiti kong nilingon ang kahera. "Ate, spaghetti at isang bote ng tubig." Agad kong kinuha at binayaran ang binili ko. Haharap na sana ako na naka ngiti pero may isang tao na bumangga sa'kin at naitapon sa'kin ang spaghetti na binili ko.

Naagaw ko lahat ang atensyon ng mga nasa loob ng canteen. "Omg.. anong nangyari.." bulong ng mga kasama ko.

Inis kong nilingon ang walang kwentang bumangga sa'kin. "Sorry." Kumukulo ang dugo kong sinampal siya.

"Dein!" Mabilis na lumapit si Mart sa kaniya. "A-Are you okay?" Alalang-alala si Mart at sinusuri niya ang buong mukha niya. Sa harap ko pa.

Nagipon muna ako ng lakas na loob na magsalita at binalewala ang nakita ko sa kanila. "Bulag ka ba?! Bakit mo ako binangga?!" Sigaw ko sa kaniya. Sa itusra niya pa lang naiinis na ako.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now