16

41 4 0
                                    

Pumasok ako ng school gamit ang bike ko. Bata pa lang ako ay hilig ko ng mag-bike. Nakaka-relax lang ng pakiramdam dahil para lang akong lumulutang. Nakisabay ako sa mga kapwa ko biker na ugaling mag-bike kapag umaga. Pang-exercise.

Ngayong araw na ito ang presentation na namin. Nag-text sa'kin si Kevin na susunduin niya ako pero tumanggi na ako. May nararamdaman akong inis sa kaniya kasi dahil sa dalawang kaibigan ko na nag-aaway dahil lang sa kaniya.

Okay na ba 'yung dalawang 'yun?

Bumaba na ako sa bike ko ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Jessica."

Nilingon ko ito. Si Mart. I think I'm blushing. "Mart.." nakangiting bati ko sa kaniya.

"Ugali mo talagang nakangiti kapag bumabati?" Natatawang tanong niya.

"Pangit ba?"

"Syempre maganda!" Pinisil niya ang pisngi ko na ikinagulat ko. Tumingin siya sa hawak kong upuan ng bike ko. "Sa'yo 'yan?"

Tumango ako. "Oo."

"Nakita kita kanina, biker ka ba?"

"Ah-hahaha oo.. mga kasama ko 'yung mga iba kanina." Pagtukoy ko sa mga kasama ko. Mga malapit din sa amin ang mga kasama ko.

"Galing ha.. oh-- speaking of magaling, Ayos na ba pakiramdam mo?" Hinawakan niya ang noo ko. "Hindi ka na mainit. May masakit pa ba sa'yo?"

Umiling ako. "Wala na. Salamat ha, ang galing mong nurse haha." Nagtaka ako ng bigla siyang natulala. Natulala na lang siya ng tumawa ako-- hala! Baka may nakita siyang naiwan na pagkain sa pagitan ng mga ngipin ko! Nakakahiya! Nag-brush naman ako eh. Tumalikod ako a kaniya at inilabas ang cellphone ko at patagong sinuri ang mga ngipin ko kung may naiwan ba. Mabuti na lang at wala-- hala! Siguro bad breath ako! Humarap ako sa kaniya na nahihiya. "B-Bakit ka natulala? M-May.. dumi ba sa--"

"Wala! Wala." Mabilis niyang sagot. "Um.. tara na sa.. may presentation kayo diba? Manonood ako."

Ugh! Ugali niya ba talagang ngumiti ng napaka-pogi masyado? Palaging akong nai-in love eh.

Nang makarating kami sa room ay agad akong in-approach ni Kevin.

"Jess!" Kevin hugged me. "Kanina pa kita hinihintay, let's go--"

Hihilain na sana ako ni Kevin nang mahigpit akong hinawakan ni Mart sa kamay na dapat ay hahawakan din ni Kevin.

"Hindi ka ba makakalakad kapag hindi mo hawak ang kamay niya?" Mart's said sarcastically.

Hinanap ng mga mata ko sina Lisa at Meya. Wala sila. Si Kevin lang ang nadatnan namin dito sa room.

"Mart, kailangan na namin pumunta--" akmang kukunin na naman ni Kevin ang kamay ko ng biglang pumagitna si Mart. "Ano bang problema mo, Mart?" Ramdam kong naiirita na si Kevin.

Ako rin. Uhm.. medyo.

"U-Um.. wait lang. Kevin, nasan sina Meya?" Tanong ko.

Ngumiti siya. "Nasa gym na lahat.. hinihintay kita--"

"Let's go." Hinila na ako ni Mart at nauna na kaming lumakad at nasa likod lang namin si Kevin.

"Ugali mo ba talagang putulin ang mga sinasabi ko?" Si Mart ang pinag-tatanungan niya. Alam ko.

Naglalakad na kami sa may hallway at tumabi sa'kin si Kevin at inakbayan. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya.

"Kevin--"

"Don't touch her!"

Hinila ako ng napakalakas ni Mart. Halos mapa-pikit ako sa sakit nang may maramdaman akong nag-cramp sa kamay ko. "Ah!!"

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now