13

50 5 0
                                    

Pagka-pasok ng teacher namin. "Okay class, 20 minutes review."

Kaming lahat ay nag-review. Tahimik at seryoso kaming lahat dahil medyo terror ang teacher namin ngayon. Pinapahiya niya ang mga student na mabababa ang score dahil feeling niya daw ay hindi niya naituro ng maayos ang mga lesson. Well, may point pero hindi naman fair sa isang istudyante na pahiyain siya dahil lang sa mababa ang nakuha niyang puntos sa pag-susulit. Hindi naman kasalanan ng istudyante na hindi niya talaga maintindihan ang mga lesson. Isa na din ako, minsan, hindi ko nage-gets kaya minsan mababa ang nakuha kong puntos. Ayos lang na mababa ang score at least ginawa ang lahat, pero 'yung ginawa mo na ang lahat pero pinahiya ka parin ay hindi na 'yun patas. Bilang istudyante, kailangan din namin ng respeto.

Oo nga pala, pumasok na si Mart. At ang nakakakilig ay ang nginitian niya ako habang nakatingin sa mga mata ako. Chikanaaaa! Charot! Sino ba ang hindi kikiligin, eh nginitian ako ng isang Reindolez. Ahhh, nginitian niya ako, tigilan niyo ako.

One hour nang matapos na ang long quiz namin. Vacant namin ngayon sa second period namin kaya lahat lang kami ay nagkwentuhan habang ang mga boys ay may sariling mundo sa likod.

"May bago akong masagap na balita." Maya-maya ay sabi ni Meya.

Nagka-tinginan kami ni Lisa at sabay sabing. "Absorbing the news." At sabay kaming natawa.

"Tse! Eto kasi 'yon, alam niyo bang break na si Joemar tsaka si Bea?"

"Ano?! Kailan pa?"

"Medyo matagal na.. chinika sa'kin ni Charing kanina." Pag-tukoy niya kay Chariza. "At alam niyo bang nag-confess na daw si Joemar kay Baganella!! Mga hayop kayo!" Binatukan niya kami pareho ni Lisa. "Kinikilig ako!!"

Opo, kapag nasaniban na ng kilig si Meya, kailangan mo ng lumayo dahil mas masakit pa sa bugbog ang mga hampas niya. Lahat naman tayo kinikilig. Lahat tayo nakakaramdam ng kilig pero kung ako ang tatanungin, hindi kagaya kay Meya ang kilig ko. Nilingon ko sina Mart na nag-tatawanan at saktong nag-tama na naman ang mga mata namin at.. ackkkk!!! Nginitian niya ako!! Oo, naiihi ako.. kapag kinikilig ako.

"Cr lang ako." Paalam ko sa kanilang dalawa. Lumabas na ako ng room at pumunta sa cr ng floor namin. "Tangina! Ba't naiihi ako kapag kinikilig?! Acckkk!!" Gusto ko man sumigaw pero baka may makarinig sa'kin sa labas.

Tutal naman, kinikilig naman talaga ako kay Mart. Noon pa. Kahit wala siyang ginagawa. Magkasalubong lang ang mga mata namin kinikilig na talaga ako. Paano pa kaya 'yung our eyes met and he smiled at me. Potaa!! Ganito po ako kiligin hahaha!

Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin. Ang pula na ng mukha ko at maluha-luha na ang mata ko. Dahil sa pag-pipigil ko ng kilig na 'yan ponyeta.

Pero.. napapaisip ako..

May kapalit ba itong kilig na nararamdaman ko? Masaya kaya o malungkot-- hindi. Masaya ako ngayon at 'yun ang mahalaga.

Kung masasaktan ako sa huli, why not? Kusa ko 'tong naramdaman eh.

"Sama ka sa Music Hall?" Nagkasalubong ko sina Meya.

Itinaas ko ang isang kilay ko. "Ano naman ang gagawin natin dun?"

"Papanoorin sina Ivhan at Sydney, nagpa-practice sila."

"Sina Kevin?" Biglang tanong ko.

Si Lisa na ang sumagot. "Busy silang nagtatawanan. Text ko na lang mamaya. Ano? Sama ka?"

Tumango na lang ako at sumama sa kanila papuntang Music Hall. Tama sila, nandun sina Ivhan at Sydney kasama si Gerick at Steven. May sariling Banda ang school namin na sumasali sa iba't-ibang competition.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now