23

53 6 0
                                    

"Congratulations, Daga! Graduate na tayo!" Nagyakapan kami ni Giannie.

"Graduate na tayooooo!" Masayang sigaw ko. Tuwang-tuwa ako sa katatapos na ganapan ng graduation.

Napalingon ako ng may kumalabit sa akin sa likod. Nakita ko ang masayang mukha ni Mart habang suot-suot ang kaniyang toga at graduation gown.

Nginitian niya ako. "Congrats, my future teacher."

I smiled back. "Congrats.. Mart."

Nagulat ako ng may ilabas siya mula sa likod niya na alam kong may nakatago but I didn't expect that it's a bouquet of flowers. Red Rose. "Congrats again. I love you."

Nakangiti ko itong tinanggap. "Salamat.. ito rin, para sayo." Binigay ko sa kaniya ang regalo ko.

It's a watch. Chopard. Expensive but I know it's worth it. "Bubuksan ko ito sa tamang panahon." Sabay wink sa 'kin. "Uhm.. c-can I hug you?"

Natawa ako sa pagkamot niya ng ulo. Hindi na ako sumagot at agad ko na siyang niyakap. I know he stunned and that put a smile on my lips. He hugged me back. Ang sarap nang may kayakap lalo na kapag may problema ka. Wala naman akong problema pero magaan sa pakiramdam.

"Excuse me ha, naiinggit ako--"

Sumulpot bigla si Chariza. "Hindi ka nagiisa." Pinag-krus nilang pareho ang kamay nila at tumaas ang isa nilang kilay habang nakatingin sa amin na magkayakap.

Natawa kami ni Mart at naghiwalay. Bigla ding lumapit sa amin si Joemar na blangko ang mukha. Hindi siya gwapo kapag walang ngiti sa mukha niya. Lalo na at naka Toga siya.

"Bakit nakasimangot ka diyan?" Natatawang tanong ni Mart sa kaniya.

"Tinatanong mo pa, eh nasa malayo yung cupcake niya." Natatawang sabat ni Chariza.

Bumaling si Giannie kay Joemar na natatawa. "Joemar, kung gusto mo ng kayakap, we're here. Huwag mo munang isipin yung nasa malayo eh, hindi mo naman mayayakap yun. Kami nalang muna dito. Tutal malapit naman kami, yakap as a friend lang."

Kahit papaano ay ngumiti din si Joemar. He hug Chariza and Giannie. "Congrats, sa 'tin." Nakangiting sabi niya sa lahat.

"Congrats, Jom." Pinalo ni Mart ang balikat niya at ganon na din si Joemar.

"Tss, congrats din, future businessman."

Ilang saglit lang ay nagsi-uwian na kami. Hinintay ako ni ate sa kotse niya. Siya ang kasama ko. Nauna ng umuwi ang mga kaibigan ko.

Nakangiti akong lumapit kay ate. "Ate!" Niyakap ko siya mula likod. "Finally. Tapos na ako mag-aral."

Nakangiti siyang hinarap sa 'kin. "At ikaw naman ang magbibigay aral sa iba, soon." Sabi niya at kinurot ang pisngi ko. "Uwi na tayo. Nasa bahay na siguro sina Mom and Dad."

BAHAY

Nang makita ko agad sina Mommy at Daddy. "Graduate na po ako!" Niyakap ko silang pareho ng mahigpit.

"Congrats, anak."

"We're proud of you."

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanila at ibinigay ang diploma ko. Wala nang mas sasaya pa sa pakiramdam nang makita ko silang nakangiti habang hawak nila ang diploma ko.

"Hmm.. so, love life na ngayon--"

"Pwede ba?" Nakangising tanong ko sa kanila.

Nakangiti silang tumango. "Pwede naman talaga, ngayong tapos ka na." Ginulo ni Daddy ang buhok ko.

"Kumain na tayo. Nagluto ako ng favorite mong Sinigang!"

Namilog ang mata ko at napalunok ako nang marinig ko ang salitang Sinigang. Tinanggal ko na agad ang Toga, graduation gown at high heels ko. Sabay takbo sa dining area. Kumuha na ako ng platito at pinuno yun ng sampalok at sabaw. Sabay higop. Hmm.. ang sarap!

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now