04

64 4 0
                                    

"Mom, bakit may mga maleta kayo?" Takang tanong ko ng may buhat-buhat silang mga maleta.

"Bibisitahin namin ang Lola mo." May lungkot sa tinig ni Dad ng sabihin niya 'yun.

"S-Si Lola? Bakit po, anong nangyari?"

Dad take a deep sighed and smiled at me, sadly. "Nasa ospital siya anak.. ikaw muna bahala dito ah? Imbitahan mo 'yung mga friends mo, para may kasama ka."

Si Lola, mama ni Dad. Nasa US siya matagal na. Naging successful kasi ang isang kapatid ni Dad kaya naitaguyod niya ang pamilya niya. Ganon na rin si Dad. Hindi naman kami ganon kayaman para mag karoon ng katulong dito sa bahay. Wala ding anak ang kapatid ni Dad at sa side naman ni Mom ay matatanda na at si Mom ang pinaka bunso.

Matanda na kasi ang Lola kaya marami ng nararamdaman. Hindi talaga 'yun maiiwasan pero kahit ganon ay nag aalala ako. Dalawang taon ko na siyang hindi nakakasama. Miss ko na si Lola kaya sana gumaling na siya as soon as possible, gusto ko siyang bisitahin kahit sa summer na lang.

Ngumiti na lang akong tumango sa kanila at sumakay na sa taxi. "Ingat po."

"Baby, sorry ah.. promise, babawi kami next time, mabilis lang kami dun, okay?" Si Mom. I nodded as answer and smile.

"Yes, Mom, ingat po. Pa kumusta na lang kay Lola ah? Paki sabi po, mag pagaling siya."

"We will," ka sunod nun ay ang pag busina ng taxi. "We have to go, bye."

Habang tinitignan ko ang taxi na lumalayo ay siyang unti-unting nag lalaho ang mga ngiti ko. Tinignan ko ang kabuuan ng bahay namin. Mag isa na naman ako. Hindi na ito bago sa'kin. Nasanay na akong mag isa at walang kasama. Si ate naman ay umuwi na sa asawa niya. Talagang mag isa ako dito.

Pumasok ako sa bahay at may sobre akong nakita at may kasama letter. Kinuha ko ito at binasa.

15,000 anak, allowance mo habang wala kami. Huwag kang mag papapasok ng kung sino-sino ah? Lalo na kapag hindi mo kilala. Tawagin mo sila Meya at Lisa diyan para may kasama ka. Always lock the door. May kutsilyo sa tabi ng kama mo. Armas mo, kung sakaling may hindi magandang mangyari pero sana wala naman. Ingat ka anak ha? Kumain ka ng mabuti. Huwag kang mag pupuyat. Gamitin mo 'yung kotse kapag mag gro-grocery ka.

Love,
Mommy and Daddy.


Kinuha ko ang cellphone ko at di-nial ang number ni Lisa. Bigla niyang sinagot. Isang bagay na gustong-gusto ko sa kaniya. Kapag tumawag ako sa kaniya, hindi tumatagal ay sumasagot.

[Hello?] Sagot ng sa kabilang linya.

"Hey."

[May problema? Kase.. kapag tumatawag ka, wala kang ibang topic kundi ang pinsan ko--]

I cut her off. "No. Hindi siya ang topic." Walang ganang sagot ko.

[Wow. Bago ah, anong meron?] Hindi ko man kita pero alam long nagulat siya.

Syempre naman, tama siya. Kada tawag ko sa kaniya yung lalaking yun ang topic. Kilala na talaga ako ni Lisa pero hindi sa ngayon. Erase muna si Mart sa utak ko.

"Can you do me a favor?" Kagat labing tanong ko sa kabilang linya.

[Sure, kapalit na rin sa assignment na pinakopya mo. Haha.]

"Haha, ahm, mag isa ako dito sa baha--"

[Ano?! Nasan sila Tito? Si Tita? Yung Ate mo?] Sunod-sunod niyang tanong.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now