02

118 5 0
                                    

Maaga akong nagising para ayusin ang sarili ko. I'm not good at seduction but, I'll try my best. For love. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko. Nagmamahal lang ako. At alam kong hindi masama ang magmahal. He's the first one that I love. At hinding hindi na ako nagmamahal ng iba.

Ew.. ang landi naman ang 'SEDUCTION' landi naman talaga yun eh, pero kahit na! Nandidiri ako!

Naligo na ako at nagbihis na ng uniform. Nagpulbo at liptint, nagpabango at nag lotion.

Parang akong nagmumukhang tanga ngayon, tsk.

Nakangiti akong bumaba at nadatnan ko sina Mommy at Ate na kumakain na. "Good morning!" Masiglang bati ko sa kanila.

"Wow, gumanda ka ngayon ah." Si ate. Mukhang nangiinis.

Dapat lang siyang mainis dahil mas maganda ako sa kaniya. Basta bunso, magaganda. Tandaan niyo 'yan.

Umupo na ako kaharap siya. "Talaga ba?"  Saka ako tumawa. "Where's Daddy?" Hinanap siya ng mga mata ko.

"Maagang pumasok sa opisina," sagot ni Mommy. "By the way, anong meron? Ang blooming mo ngayon ah."  Pinaningkitan niya ako ng mga mata. Para bang inuusisa niya bawat pulbo sa mukha ko.

Ngumiti ako. "Mommy, ate, naaalala niyo pa ba 'yung bukambibig ko noon hanggang ngayon?" Kinikilig na tanong ko.

"Hm! Wait, I know that," napunas ng bibig si ate dahil tumalsik yung soup na hinihigop niya. Nagiisip kuno. "Sino na kasi 'yun?" Si ate ay wife of ceo sa Singapore. May anak na rin siya pero naiwan sa Singapore, next week uuwi na rin siya dun.

"Hmm.." nagisip naman si Mommy. "Mart ba pangalan nun?"

"Exactly!" Masayang sabi ko. "Mommy, classmate ko na siya! Finally! May chance na akong maging girlfriend niya." Masayang sigaw ko habang namumuo ang kilig sa bawat sistema ko.

"Hep! Hep! Hep!" Awat ni Mommy. "Me and Daddy is not that strictly. Pinagdaanan na din namin 'yan. Pero huwag ka masyadong mag focus sa mga ganyan, Jessica. Tignan mo ang ate mo, nag boyfriend lang 'yan ng nagkaroon ng trabaho at ngayon may asawa na't anak. Ikaw, mag aral ka muna. Hindi naman masama ang mag boyfriend ka. Pinapayuhan lang kita anak ha, ang pag aaral ay--"

"Mas mahalaga keysa sa boyfriend." Itinuloy ko ang sinabi niya saka umirap. "Mommy, lahat ng pinapayo niyo nandito palagi," itinuro ko ang sentido ko kung nasaan ang utak ko. "Hinding hindi ko 'yun makakalimutan.. and, I promise, makakapag tapos ako, promise." Itinaas ko pa ang isang kamay ko.

They're both smiled so I smiled back. Wala dapat silang alalahanin dahil lahat ng mga pinapayo nila ay hindi ko makakalimutan. Alam kong mas importante talaga ang pag-aaral pero gusto rin naman mag-mahal ang puso ko na matagal ng naghihintay.

Nakangiti akong naglalakad ngayon papunta sa building namin. Grabe ang saya na nararamdaman ko. This morning is really really good. Maraming tumitingin sa'kin at nagbubulungan. Maybe, I changed a little bit? Haha.

Ano naman ang nag-bago sa 'kin? Nag-pulbo at liptint lang naman ako. Putangina naman, hindi naman siguro ako ganon kapangit para ganiyan ang magiging reaksyon nila ngayon!

Nang makarating ako sa room namin ay agad akong sinalubong ng mga kaibigan ko. "Wow, anong meron???!!!" Si Meya na parang gulat na gulat habang may ngiti sa mga labi.

Umirap ng maarte si Lisa. "Mukhang alam ko na kung ano ang sagot." Inirapan niya na naman ako.

Tangina mong killjoy ka.

Tumawa na lang ako para hindi mainis. Sa ganda ng mukha ko ngayon tapos iinisin lang ako ng babaeng 'to? No way. "Tama ka nga." Pagsang-ayon ko na lang sa naiisip niya.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now