08

49 5 0
                                    

Dalawa na lang kami ni Mart ngayon dito sa canteen at kinakain na namin ngayon ang binili niyang pizza na napaka anghang. Kanina pa siya tapos kumain at hinihintay na lang niya akong matapos.

Naiilang ako sa mga tingin niya sa'kin. Ni hindi ko maidapo sa kaniya ang paningin ko o kahit isang segundo lang na titigan ko siya ay hindi ko magawa. Kanina pa yumuyukom ang mga palad niya pero hindi ko na iyon inintindi. Mas lumalamang ang saya na nararamdaman ko ngayong naka upo na siya sa mismong harap ko at pinag mamasdan akong kumain at hinintintay ako.

Uminom na ako ng tubig at ngumiti pero hindi ko siya tiningnan. Naiilang ako. "Done?" Tanong niya.

Naka ngiti ulit akong tumango. "Oo.."

"Tara na." Tumayo na siya at nauna ng nag lakad palabas ng canteen.

Mabilis akong gumalaw at hinabol siya. "S-Saan na tayo pupunta?" Hinihingal na tanong ko sa kaniya. Ang bilis niya masyadong mag lakad. Nakakahingal habulin.

Ngunit hindi siya sumagot. Nananatiling diretso lang ang tingin niya sa dinadaanan namin. Hindi na lang din ako nag salita at sinundan na lang siya. Maraming naka tingin samin at bumubulong bulong pa ang mga tsismosa. Rinig na rinig naman.

"Siya ba?"

"Oo,"

"Sinampal niya kanina si Dein.."

"Ang kapal ha.."

"Ex ni Dein 'yan diba?"

"Oo, si Mart.."

"Sila ba?"

"Hindi no!"

"Hanggang ngayon baliw parin si Mart kay Dein."

"Bagay nga sila eh.."

"Mukhang may nag papapansin ngayon sa ex syota ni Baganella ah.."

"Sino ba kasi 'yan?"

"Yan si Coraño. Ang may malaking inggit kay Baganella,"

"Dahil?"

"Dahil may gusto siya kay Mart Riendolez."

"What?!"

Nainis na ako ng husto kaya lumapit na ako sa kanila. Ang mga babaeng tsismosa na parang alam nila lahat ang buong story.

"Hoy mga kamatis!" Duro ko sa kanila. Lumaki ang mga mata nila ng makita ang hintuturo kong naka turo sa kanila. "Gusto niyo bigyan ko ng sili 'yang mga bunganga niyo?! Mga chismosa! Alam niyo talaga lahat noh?! Ako pa ang kontrabida ngayon?! Punyeta!"

Tumayo na ang nasa gitna nila. "Bakit? Totoo naman ah.. stalker ka nga ni Reindolez habang sila pa ni Baganella eh. Siguro nag pa-party kapa noong balita nang hiwalayan nila. Buong school alam na alam ang unforgettable couple na sina Baganella at--'

"Tama na!!!" Nasigawan ko na ang babaeng tumayo kanina. Akma ko na siyang sasampalin pero may humablot sa kamay ko. Si Mart.

"Mananampal ka na naman?!" May halong inis na sa boses na sigaw sa'kin ni Mart.

I heard the girls sarcastically chuckled. "Mart, ito ipapalit mo kay Dein?" Tanong niya at itinuro pa talaga ako. Sasabog na ako sa galit pero hawak-hawak ni Mart ang kamay ko.

"No! Hinding-hindi ko ipag papalit si Dein." Mabilis na sagot niya.

N-No. W-Wala akong narinig. H-Hindi.. hindi 'yun totoo.. huwag kang iiyak! Huwag kang iiyak, Jessica!

"I see. By the way, thanks Mart." Nagsi alisan na ang mga babaeng 'yun at agad akong hinila ni Mart.

Idinala niya ako dito sa tapat ng restroom. Yung kaninang hawak niya ang kamay ko ay pagalit niyang binitawan. Nasaktan ako ng kaunti. Humarap siya sa'kin ng may galit sa mga mata at lumalalim na ang mga pag hinga niya. Mukhang pinipigilan niya lang na huwag sumabog sa galit.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now