22

57 5 0
                                    

And I swear.. ang sarap palang main-love. Ito na ang pinaka the best na naramdaman ko sa dibdib ko. Punong-puno ng saya at kilig na hindi na mabilang kung ilang beses ko na itong naramdaman.


Hindi ko na kayang patagalin dahil nahulog na ako ng tuluyan sa kaniya. Hinahanap ako ng tamang tiyempo para sabihin sa kaniya na mahal ko na siya.

We're college now. 4th year college. I promised to myself na hindi muna ako papasok sa relasyon kung hindi pa ako tapos sa pag-aaral.

Sinundan niya ako kung saan ako pumasok. My course is Education while he's course is Business Administration.

Mula nung high school hanggang ngayon ay wala parin siyang pinagbago ng way niya sa panliligaw sa'kin. Nakakatuwa lang dahil siya pa talaga ang nagagalit kapag hindi ko nagagawa ang mga requirements na dapat kong tapusin.

"Tapos mo na 'yung pinapagawang report?" Tanong sa akin ni Giannie.

She's an Education too, pareho kami. Nandito rin si Chariza, magkaklase sila ni Mart, pareho silang Business Administration ang course.

I shrugged and smiled. "Mamaya ko na tatapusin. Bukas pa naman ang deadline. Ikaw ba, tapos mo na?" Tanong ko pabalik sa kaniya at ininom ang juice na binili ko sa tabi ng University namin.

"Matatapos na mamaya. By the way.. sinagot mo na si Mart?" Tanong niya. Napairap ako ng maalala ko si Meya. Pareho silang uhaw sa chismis.

"Hindi. Pangarap muna ngayon." Nakangiting sagot ko.

"Tama. Hay.. kamusta na kaya yung ibang kaibigan natin sa Manila at Ilocos?"

"Sus, miss mo lang si Gerick eh." Natatawang sabi ko.

Binatukan ako ng gaga. "Eh ano naman ngayon kung miss ko? At least nag-promise siyang babalik siya." Naging malungkot ang tono ng boses niya. "Miss ko na rin yung unggoy nating kaibigan. Hindi na siya masyadong active sa Group Chat natin eh. Nag Italy lang mukhang nakalimot na."

"Ano ka ba. Busy din 'yun kagaya natin. Kilala naman natin si Baganella." Positibong sabi ko.

Ilang saglit lang ay may tumawag Kay Giannie.

"Duma, pinapatawag ka ni Miss Belen sa office niya." Tawag sa kaniya ni Joemar.

HRM ang course ni Joemar at bihira lang siyang sumasama sa amin.

"Ngayon na?"

"Malamang."

Tumayo na si Giannie at bumaling sa'kin. "Mamaya na lang ah." Tumango ako at naglakad na siya.

"Hi, Jessica." Kumaway sa'kin si Joemar.

"Hello!"

"And what is that?" Nilingon ko ang nagsalita sa likod ko. It's Mart.

Binalik ko ang tingin ko kung saan ko nakita si Joemar pero naglalakad na siya palayo.

"Wala,"

Umupo siya sa tabi ko at nakangiting humarap sa'kin. "Requirements, done?"

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now