05

64 4 0
                                    

Kanina ko pa hindi maintindihan ang sarili ko. Paggising ko ng umaaga ay may mga hindi na ako masabi sa sarili ko. Ang nangyari kahapon ay hindi ko talaga inaasahan.

Sinabunutan ko ang sarili kong buhok sa inis ko sa sarili ko. Matapos kong gawin ang mga pwede ng gawin sa sarili ko para mawala na ang potang nararamdaman ko na hindi ko maipaliwanag ay huminga ako ng malalim at pinakalmahan ko ang sarili ko.

Dadating ngayon sina Lisa at Meya. Dumiretso na ako sa banyo at nag sipilyo na sunod ay naligo na ako.

Kailangan ko munang ipahinga ang utak ko sa lahat ng pwede i-overthink for today. I'm so stressed out.

Nakarating ako ng kusina at ngayon Lang nag sink-in sa 'kin na mag isa lang pala ako dito sa bahay. Bumuga muna ako ng hangin at nagluto na ako ng breakfast ko. Bacon at pritong itlog ang breakfast ko ngayon.

"We're hereeeee!! Jess!! Wer na ba yu? Yuhooo?"

"Nandito ako." Naka ngiting bati ko sa kanila.

Lumapit sila sa 'kin at sabay na hinalikan ang mag kabilang pisngi ko. Napa ngiti ako sa simpleng ginawa nila. Ang sweet nila at talagang hinding hindi na ako makakahanap pa ng ibang katulad nila.

"Kumain na kayo?" Tanong ko.

They both nodded. "Oo, nakikain na ako kila Lisa kanina." Meya said. "Same din ng breakfast,"

"Oh, um okay..--"

"Sa kwarto mo kami matutulog. Mag breakfast ka muna, aayusin lang namin gamit namin.."

At ganon na ginawa ko. Kumain na ako at inayos na ang mga kalat ko kanina. Hindi na ako magtataka kung bakit feel at home ang mga kaibigan ko. Ewan ko kung may nararamdaman ba silang hiya o wala talaga silang hiya.

Umakyat na ako sa taas at nadatnan ko silang nag papalit ng damit. Si Lisa ay naka short at sando na white while si Meya ay naka denim short at sando ng blue.

"Hey." Naka ngiting bati ko sa kanila.

Sabay silang tumingin sa 'kin. "Hey, shopping?" Aya ni Meya. Nakangiti siya na may ningning sa mga ngipin niya.

Pagdating talaga sa shopping, si Meya at Lisa ang maasahan sa aming lahat. Hindi naman sa kuripot kaming lahat pero, yung mga nabibili namin minsan na napakaraming damit o ibang bagay hindi din naman naming madalas na nagagamit.

Mas mabuti na lang kung pagkain.

"Hmm.. yeah, that's a great idea--"

"H-Hindi muna ako sasama." Nasabi ko. Pareho silang napatingin sa 'kin na nagtataka ang mga mata.

Pina ikot lang ni Lisa ang mata niya saka huminga ng malalim. "Ano na naman ang drama mo?" Naka ngiwing tanong niya.

"Wala akong drama ha. A-Ayaw ko lang sumama." Sagot ko. Umiwas ako ng tingin.

Kailangan ko lang talaga mag-acting para ilibre nila ako. Sila naman ang nagyaya so.. why not? Ilibre lang nila ako para hindi mabawasan ang pera ko.

"Kung ayaw mong sumama, may rason." Tumayo si Meya at inakbayan ako. "Tell us, what's the reason?"

"Wala nga." Pag mamatigas ko.

Ilibre niyo ako! Ayokong maglabas ng pera, sayang!

"Pakipot kapa, ba't dimo na lang kasi sabihin?!" Mukhang inis nang sabat ni Lisa.

"Matatagalan sina Daddy sa US at 15,000 lang ang allowance ko. Ayaw kong sumama kasi baka magastos ko lahat!"

Good job, Jess! Ang galing mo magpalusot at um-acting! Best in drama for todayz!

Walang sumagot sa kanila ni isa. Pareho silang nanlalaki ang mata na naka tingin sa 'kin. Magastos akong babae at lahat ng nakikita kong magaganda binibili ko agad. Lalong lalo na sa mga alahas. Mahilig na mahilig ako sa alahas, bata pa ako talagang marami nang naka sabit sa taenga ko at sa leeg kong kumukutikutitap.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now