17

46 4 0
                                    

Hindi ko maigalaw ang sarili ko. Para akong estatwa ngayon na hindi gumagalaw.



Anong nangyayari? S-Sila na ba ulit?

Anong gagawin ko? Iiyak ba ako? Masasaktan ba ako? Manonood na lang ba ako?

"Jess, let's go." Ngayon ko lang namalayan na hinihila na ako nila Kevin.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Narinig nila Mart ang boses ni Kevin at sabay silang lumingon sa gawi namin. Naghiwalay sila sa pagkakayakap.

Nanlaki ang mga mata ni Mart habang si Dein naman ay parang wala lang sa kaniya at nakapamulsa lang ang dalawang kamay niya sa suot niyang jacket.

Ano ngaba ang alam ni Dein at Mart sa nararamdaman ko? Ang alam ko lang ay mahalin si Mart ng palihim eh.

"J-Jessica.." parang nagugulat na sambit ni Mart sa pangalan ko.

Nagtama ang mga mata namin ni Dein. She just gave me a cold stares. Her fucking cold stares. "Absorbing the news?" Walang kaemo-emosyon na sabi niya.

Hindi ko na kinaya sa ganoong sitwasyon. Tumakbo na ako papalayo kung na saan ang dalawang taong dahilan ng pagiyak ko.

Nasasaktan ako. Iba yung sakit na nararamdaman ko kay Mart at sa pamilya ko. Magkaiba. Hindi magkapareha. Magkaiba.

Habang tumatakbo, hindi ko maiwasang matumba. Lumalabo ang aking maningin dahil sa mga luhang pumipilit na bumagsak. Ang nararamdaman ko lang ngayon ay nasasaktan, na may kasamang galit.

Lumabas ako ng school habang umiiyak. Hawak-hawak ko ang dibdib ko na parang nabibiyak. Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Siguro, kung artista lang ako, ang dami ko na sigurong na-recieve na awards.

Gusto kong matawa sa sarili ko. Nandito ako, umiiyak at nasasaktan samantalang yung dalawa ay masaya dahil nagkabalikan na sila.

May nakita na akong pwedeng itago ang mga gustong lumabas sa katauhan ko. Gusto kong magalit at gusto ko itong ilabas.

Nagulat ako ng may humila sa kamay ko at napaharap ako dito. Makikita ko sa mga mata niya ang pagtataka.

"Bakit ka tumakbo, Jessica?" May halong pagtataka na tanong niya. "Jess--"

Tumingin ako sa ibang direksyon dahil ayaw kong makita ang pagmumuka niya. "Ano namang pake mo?"

"Tinatanong kita, Jessica. Bakit ka tumakbo--"

Tiningnan ko siya. "Ano ngang pake mo?" May halo nang inis sa boses na medyo pasigaw na ang pagkakasabi ko. Suminghal ako at muli ko na namang ibinaling sa libang direksyon ang paningin ko.

Pasimple ko siyang sinulyapan dahil hindi na siya nagsalita. Nasa mukha niya parin ang pagtataka. Tiningnan ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Binawi ko ang kamay ko na mas dumoble sa reaksyon niyang nagtataka.

"Anong problema mo, Jessica?" Hindi parin nagiiba ang reaksyon ng mukha niya. May pagtataka at parang hindi na makapaniwala sa inaasal ko ngayon.

"Wala."

"Galit ka ba sa'kin dahil sa paghila ko sa'yo kanina? If that's the reason, then I'm sorry. Hindi ko 'yun sinasadya. Nagawa ko lang 'yun dahil naiinis ako kay Kevin!" Pasigaw na sabi niya sa'kin.

Peke akong natawa. Ayaw ko ng nasisigawan. Lalo na ikaw, Mart. Nagsisimula nang manubig ang mga mata ko kaya tumingin muli ako sa ibang direksyon.

"Congrats nga pala.." sinusubukan kong huwag mautal habang pinipigilan ko na naman ang mga luha sa mga mata ko na gusto nang makawala.

"For what?" Hindi ko man kita ay may halo 'yun na pagtataka. "Hindi kita maintindihan, Jessica--"

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt