11

51 5 0
                                    

Nag-lalakad na ako pabalik ng classroom namin galing akong locker at may kinuhang libro. Wala naman akong taong nakikita dito sa paligid pero may kumalabit sa 'kin sa likod ko. Nilingon ko ito at baka mumu na ang kumalabit sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa harap ko.

Ang gwpaong mumu naman ne'to. Ehehe..

"M-Mart.." naka-ngiting banggit ko sa pangalan niya habang yakap-yakap ko ang libro ng kinuha ko.

Nag-salubong ang mga kilay niya at bumaling sa iba ang tingin niya. "Stop, smiling, it's annoying."

May naalala ako. Galit pala ito sa'kin. Hmp!

Tinalikuran ko siya at umakyat na sa hagdan. Mabilis niyang nahablot ang kamay ko at tuluyan na akong nakaharap sa kaniya. "Ano?" Salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya. Nakalimutan kong may atraso ito sa'kin. Sinigawan niya ako, akala niya nakalimutan ko? Gwapo ka pero ang baho ng ugali mo!

"I'm sorry."

Ha? Ano 'yung narinig ko?

"Sorry." He said it again. "Nawalan na ako ng tino sa isip noon.. kaya, sorry.. nasigawan kita." Bumaba ang tingin niya.

"Hmm? Maniniwala na ba ako?" Sinubukan ko pang magtaray pero ang bilis na ng tibok ng puso ko. Gustong kumawala ang ngiti sa labi ko pero kinakagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan.

Tiningnan niya ako sa mata. "It's okay for you not to believe but I'm just asking for forgiveness for what I did to you."

"A-Ahm--"

"Mart Reindolez." Nilahad niya ang kamay niya sa 'kin na ikinagulat ko.

Pinakatitigan ko ang kamay niya at saka 'yun tinanggap. "Jessica Coraño. Kilala naman natin ang isa't isa pero talagang hindi tayo masyadong close." Natatawang sabi ko. Mas naging triple pa ang kabog ng puso ko ng mahawakan ko ang kamay niya. Ang laki! My God. Ng kamay niya jusko! Kinikilig na ako, gusto ko ng maihi sa kilig.

Binitiwan na niya ang kamay ko. "Tara na." Naka-ngiting aya niya sa 'kin.

Namumula na siguro ang buong mukha ko sa kilig. Inaaya niya po ako, excuse me, guys. Nanalo ako for todayz. Huhu!

Sabay na kaming umakyat pero bago nun ay tinanong ko siya. "Saan ka pala galing?"

"Sa Dance Troupe, kulang kami ng isang kasama. Ang arte lang ng mga girls, ayaw kaming tulungan." Tumawa siya.

Parang nag-slow lahat ng paligid ng makita ko siyang tumawa. At ang nakakatuwa dun.. ako ang kaniyang kasama.

Nakakagaan ng loob. Hindi niya ako sinusungitan. Okay na kami ngayon.

"Don't laugh, it's annoying." Kunwaring inis na sabi ko. Ginaya ko lang ang sinabi niya sa 'kin.

Don't laugh, I'm falling, talaga 'yun.

"Ang tagal mo naman." Reklamo ng mga kasama ko.

Inirapan ko sila bilang ganti. "Edi sana kayo na lang ang kumuha, mga hayop kayo."  Padabog akong umupo.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now