12

51 6 0
                                    

"May lagnat ka ba?" Hinawakan ni Lisa ang noo ko. "Wala naman ah."

Bumuga ng hangin si Meya. "Kanina ka pa matamlay."

"May nangyari ba?" Tanong naman ni Kevin.

Palihim kong nilingon ang upuan ni Mart. He's absent. Not because he's absent, I'm not in the mood. I'm not in the mood because of what I heard yesterday. Kanina ko pa iniiba ang isip ko dahil palaging nagre-replay sa utak ang mga sinabi niya kahapon. Nagre-replay din sa utak ko kung paano siya umiyak dahil kay Baganella.

Hindi ko aakalain na si Baganella rin pala ang dahilan ng pagiyak niya at kung bakit siya nasasaktan. Samantalang siya rin ang dahilan ng pag-ngiti niya. Nasasaktan ako na iisipin kong wala akong pag-asa o wala na talaga akong pag-asa.

Nabubuo na naman ang nararamdaman kong inis kay Baganella. How dare you doing this to Mart, Baganella! Pero hindi, hindi pwedeng dahil lang sa lalaki ay masisira kami. Kailangan kong magtimpi-- hindi, kailangan kong isipin kung ano ang magiging tama.

I know, Dein still love's Mart, and Mart still love's Dein. Pero.. magiging selfish ba ako kung sasabihin kong mahal ko si Mart at hihilingin kong pwedeng akin na lang siya?

Sinabunutan ko ang sarili kong buhok nang maka-pasok ako sa comfort room. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Natawa ako na puno ng sarkasmo. "Bakit ka nagiging tanga sa lalaki? May mahal siyang iba at wala ka lang sa kaniya."

"Pero mahal ba siya ng mahal niya?"

Parang may sumagot sa'kin na alam kong sa utak ko lang 'yun nang-galing.

Mahal nga ba siya ni Dein?

"Lisa." Tawag ko kay Lisa habang nagtatawanan sila ni Kevin.

Nilingon niya agad ako. "Oh?"

"Uuwi ka ba mamayang lunch?"

"Yup, kukunin ko yung heels ko for ballroom, why?"

Hinila ko siya para bumulong. Dapat siya lang ang nakakarinig. "Kapit bahay lang naman kayo ni Mart diba?" Mahinang bulong na alam kong siya lang ang nakakarinig.

"Oo, bakit?" Bulong din niya.

"Sasama ako.. bibisitahin ko lang siya."

"Oo nga, absent siya. Baka may sakit?"

"S-Siguro.. Basta sama ako ha?"

"Oo, sige."

Bumalik na siya sa huwisyo at nag-patuloy silang mag-kwentohan ulit ni Kevin. Napansin kong si Meya naman ay naka-titig lang sa kanila pero hindi ko 'yun binigyan atensyon.

Sinundan ko lang ang kotse ni Lisa hanggang sa nakarating na kami sa kanila. Binati ko ang mga magulang niya at nag-paalam na bibisitahin si Mart.

"Ikaw ba girlfriend niya?" Maligayang tanong ng Mommy ni Lisa.

Sana. "Hindi po, kaklase lang po." Yun na lang ang lumabas sa bibig ko at tuluyan ng pumasok sa tabi ng bahay nila. Ang bahay nila Mart.

May lumapit sa'kin na isang may edad ng babae. "Sino po sila?" Magalang niyang tanong.

"Kaklase po ako ni Mart, nasaan po siya?" Nilibot ko ang paningin ko sa malawak na loob ng bahay nila.

"Nasa taas siya, iha. Halika." Sinundan ko siya.

This is the first time na naglakas loob akong pumunta sa bahay ng lalaki at sa taong espesyal pa sa'kin. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko at bigla kong naisipan na bisitahin siya. Nag-aalala ako sa lagay niya. Kagabi pa akong hindi maka-tulog dahil sa pag-iisip sa kaniya kung okay lang ba siya.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now