03

73 3 0
                                    

"Hi Mart!" Masayang bati ko sa kanya. For the first time, nagka sabay na din kami sa pagpasok dito sa gate.

He just stared at me coldly. One week ko na siyang pinapansin pero was effect parin. Parang wala lang sa kanya ang mga ipinapakita ko sa kaniya pero hindi yun rason para tumigil ako. Nandito na. Naumpisahan ko na. Tatapusin ko ito.

Nakisabay na lang ako sa kaniya na naglakad na may ngiti sa mga labi ko.

"Tapos mo na ba yung assignment natin sa General Mathematics?" Tanong ko sa kaniya. Naka ngiti parin.

"Oo." Sabay kaming nag lakad patungo sa building namin. At sa bagay na 'yun ay masaya na ako.

Mabuti na lang at hinahayaan niya akong makasama at makasabay ko siya. Kahit lang sa paglalakad.

"Ahm.. kilala mo ba ako?" Tanong uli sa kaniya.

"Oo. Ikaw ang kaibigan ni Dein." Agad niyang sagot.

Tumango-tango naman ako. Bakit kailangan pang banggitin yung pangalan ni Dein? "Ahh, kala ko kasi hindi mo ako kilala."

Pwede bang.. huwag mo nang babanggitin yung pangalan ni Dein?

Hindi ko na isinatinig dahil baka mangyari ang kinatatakutan ko.

"Ok."

Sobrang cold niya. Grabe. Naka ngiti parin ako kahit na pakiramdam ko nababalewala na ako.

Well, always naman akong nababalewala, hehe.

Tinitigan ko siya. Siya ang nauunang lumakad keysa sa'kin kaya natititigan ko siya ng matagal. Ang gwapo niya talaga. He's really the man that I want.

"Uhm, may kaibigan ka ba sa room? Nasa ibang section at strand yung mga kaibigan mo, diba?" Tanong ko na naman.

Bumagal siyang naglakad. "Si Kevin Gonzuel, pana'y absent lang kasi siya pero mas gusto kong mag isa." He said. Nilingon niya ako na may inaantok na mata. "Kaya pwede ba, huwag kang lalapit sa'kin." May iritasyon sa boses na sabi niya. Inayos niya ang bag niya at naglakad na palayo sa'kin.

"M-Mart!" Tawag ko sa kaniya. Alam kong narinig niya 'yun pero hindi na niya ako inabalang nilingon.

Para akong nanghina ng sobra sa tono ng pananalita niya. Para akong nilamon ng kahihiyan sa mga tingin niya palang.

Mag isa na akong nag-lalakad ngayon at hindi ko maitago ang emosyon na nararamdaman ko. Parang may kumurot sa puso ko at nasasaktan. Hindi naman ako ganito dati pero.. habang tumatagal mas lalo ko siyang minamahal. Pero.. habang tumatagal, mas lalo naman akong nasasaktan.

Palagi akong pinag sasabihan ni Lisa pero sadyang matigas talaga ang ulo ko. Ayaw kong makinig sa kaniya. Ang laban ko ay, mag kaiba kami ng desiyon. Hindi kami pareho.

Nagmamahal lang naman ako at hindi naman 'yon kasalanan.

Umiling-iling ako sa kawalan at huminga ng malalim. I cheer up myself and smile again. Aalisin ko muna ang nararamdaman kong lungkot sa sistema ko.

Naka ngiti akong naglalakad at sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang mga kaibigan kong kinakayawan ako at naka ngiti.

"Hi! Ang ganda ng ngiti niyo ah!" Bati ko sa kanila ng makalapit ako.

Nag katinginan silang dalawa at naka ngiting tinignan ako. Nagtaka naman ako. "Ahm.. haha.. ikaw na lang magsabi." Sundot ni Meya kay Lisa.

Umirap naman si Lisa na ikinatawa ko. "Tsk, sabi mo ikaw ang mag sasabi! Ang talkshit mo! Ikaw na!"

"Ayaw ko, nahiya ako bigla eh,"

"Ayaw ko din, bahala ka diyan!"

I shook my head with their abnormality. "Ano ba 'yun?" Masuyong tanong ko sa kanila. At ang dalawang loko ay parang naging aso ang pag mumukhang tumingin sa'kin.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now