10

66 5 0
                                    

In-open ko ang group namin na may Pangalang ANIMAL FRIENDS. May sari-sarili rin kaming nickname.

Jessica - Daga
Lhara - Pusa
Jaybe - Baka
Dein - Unggoy
Reah - Kambing
Chariza - Manok
Giannie - Gorilla
Keisha - Kalabaw
Patricia - Pagong
Lisa - Baboy
Meya - Biik

Pero lahat ng mga nickname namin ay tawagan naming lahat at may schedule. Unggoy ngayon, bukas kambing ganon talaga kalakas ang mga topak namin, nila pala. Si Meya ang unang nag-chat sa gc namin.

Biik: Good morning, mga Pagong!! Good news, may punyetang ideya na naman ako. What if, mamasyal tayo sa beach? Masaya 'yun panigurado!

Unggoy: Hindi ako sasama.

Biik: KJ mo! Pwedeng inuman dun.

Unggoy: Sige sasama ako.

Gorilla: Tangina, wala akong pambayad!

Biik: Style mo bulok. Binayaran ko na, libre ko na 'to. Pakyu!

Gorilla: Whahahahaha thanks! Da best ka talaga.

Daga: Kailan ba?

Biik: Mamayang hapon. Sunday naman bukas.

Daga: Sige.

In-off ko na ang phone ko at nag-umpisa nang mag-ligpit ng hinigaan ko. Hinanda ko na rin ang mga gamit ko papuntang beach na sinasabi ni Biik.

Hapon na at hindi ko inaasahan na dadating ngayon sina Mommy at Daddy.

"Kamusta si Lola?"

"Ayos na siya, hayaan mo, inaalagaan siya ng Tita mo." Sagot ni Mommy.

Mukhang napansin ni Daddy ang bag ko. "May lakad ka?"

"Daddy, nag-imbita po kasi si Meya sa Beach.. eh, libre niya po lahat sa amin 'yun. Kasama ko po sina Lhara. Wala pong boys."

Tumango-tango siya. "Ilang araw kayo?"

"Uuwi din kami bukas ng hapon, Daddy. Please.. Daddy.. ngayon ko lang sila makaka-bonding ulit eh." Pag-mamakaawa ko sa kaniya at nag-arte pa ako na parang bata habang niyayakap siya.

Bumuga siya ng hangin at tinitigan ako. "May inuman dun, alam ko. Kung meron si Dein dun.. talagang mag-iinuman na naman kayo. 'Yung batang 'yun aba eh ang lakas uminom, daig pa ang lasingero."

"Bakit nadamay ako?" Lumingon kaming lahat sa pinto at naka-tayo na dun si Dein na blangko ang mga mata.

"Ah-hahahaha, Dein anak, tuloy ka haha." Daddy's reaction was really surprised.

"Thank you, po." Sagot ni Dein ng maka-upo siya. "Ipapaalam ko lang po sana si Jess, inimbita po kasi kami ni Meya, sa kaniya po lahat ng gastos." Bilib ako kay Dein sa galang ng pananalita niya na parang lalaki.

Pereng menlelegew hehe..

"Sige, pero nakikiusap ako na huwag kayo mag-lalasing." May banta sa boses ni Mommy.

"Opo, Tita. Tito, aalis na po kami. Ihahatid ko din bukas si Jess." Tumayo na kami.

"Anong sasakyan niyo?" Habol na tanong ni Daddy.

"Ducati Superleggera V4, Tito. Bye!"

Nang tuluyan na kaming maka-labas ay binatukan ko si Dein ng malakas sa malakas. "Loko ka! Niyabangan mo si Daddy!"

Kinamot-kamot niya ang binatukan ko. "Totoo naman ah, oh," turo niya sa sasakyan niya. T-Totoo pala. "Hiniram ko 'yan Daddy. Mas mabilis. Pumasok kana! Huwag mong hintayin na buhatin pa kita." Nauna na siyang pumasok at sumunod na ako.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now