21

58 5 0
                                    

"Gurl, kanina ka pa nababaju diyan." Nagising ako sa reyalidad ng ginulat ako ni Reah.

"H-Ha?"

"Kanina ka pa mukhang baju diyan kako."

Nagkasalubong kami na naglalakad papuntang school kaya nagsabay na kami. Lutang ako. Lutang na lutang ang isip ko at wala akong alam kung saan lumalakbay ang isip ko.

Taka kong tiningnan si Reah. "Anong baju ang sinasabi mo?"

"Baliw. Pinasosyal ko lang ng konti para unique hehe."

Umirap ako. "Pss, hindi sosyal--"

Binatukan niya ako. "Huwag kang panira!"

Hindi na ako umangal at humiwalay na sa kaniya nang makarating na kami sa building namin.

Pumasok na ako ng room at lahat ng kaklase ko ay nakatingin lang sa akin. Nagtataka man ay wala sa sarili akong umupo at nakita ang nakapatong sa arm chair ko. May mga kalamansi at sampalok sa isang transparent container.

Napalunok ako ng biglang umasim ang panlasa ko. I opened the box and I saw a letter. Binasa ko ito.

Good morning, I heard that you liked something sour, so I hope you like it.

-Mart

Natameme ako sa nabasa ko. Paano niya nalaman na I like something maasim? And who the hell tell him that. Yung mga hayop kong kaibigan lang ang may alam nun. Hindi kaya si Lisa? Pero parang hindi, magaling tumikop ng bibig si Lisa eh. Kahit makapal ang bibig nun.

Napatingin ako sa mga kaklase ko na nagiwas ng tingin sa'kin. Lumapit sa'kin sina Lisa at Meya na kararating lang. Tulad ko din ay tumingin sila sa buong room at pati narin sa mga kaklase ko.

"Huy, anong machismis? Bulong kayo ng bulong diyan eh.." malakas na sabi ni Meya at napatingin sa kaniya ang mga classmates namin.

"Ano yang hawak mo?" Pagtutukoy ni Lisa sa hawak ko na container.

Hindi na ako nag-arte at sinabi na sa kanila ang totoo. "Bigay 'to ng pinsan mo. Paano niya nalaman na favorite ko ang maasim? Sinabi mo ba?" Naiiritang tanong ko.

"Ha, wala akong sinabi. Pakealam ko sainyo."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Eh, paano nga niya nalaman na paborito ko ang maasim?"

"Wala akong sinabi sa kaniya. Pero may sinabi siya sa'kin, he told us about his confession to you last week. Yun lang ang alam namin." Agad niyang sagot.

"Dapat nga umihi ka sa panty mo na ngayon eh."

Taka kong nilingon si Meya. "Anong sinasabi mong umihi sa panty?"

"In-short, dapat kinikilig ka ngayon.. ayaw mo, nililigawan ka na nga ng lalaking gusto mo eh." Maktol niya.

Blangko ko siyang tinitigan. "Paano ba kiligin?"

Umirap si Lisa na nakangiwi. "Ang dami mong sinasabi , ang lakas mo ngang kiliging hayop ka."

Hindi ko siya pinansin. "Yung kilig na halos halikan mo na 'yung tae ng kalabaw, ganon." Meya's respond.

"Ginagago mo ba ako?!"

"Hindi ah, sinagot ko lang yung tanong mo."

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now