01

172 5 0
                                    

Nilibot ko ang paningin ko sa buong room. Wala ni anino niya ang nakita ko. Umaasa ako na hindi na magiging kaklase ko siya. Halos apat na taon na akong umaasang magiging same section din kami pero lahat nagiging nganga. Apat na taon na din akong nasasaktan pero minamahal ko parin siya.

Ano bang pwedeng gawin para dito na lang siya sa section namin ang maging room niya. Seniors na kami, ni-hindi ko man lang naging kaklase kahit isang taon. Kung sa iba talaga siya mapupunta na section kakausapin ko na 'yung adviser niya para lumipat na dito. GAGAWIN KO TALAGA 'YON! Maging kaklase ko lang siya.

"I'm Jessica Beyn Coraño, nice meeting you all." Tamad kong pagpapakilala sa lahat. Paano naman, hindi natupad 'yung expectation ko na maging kaklase ko siya.

Wala naman nagbabago sa first day ng school year. Tamad ako ng bonggang-bongga ngayon. Ine-expect ko pa naman na magiging kaklase ko na siya. Hay.. kakainis!

Ano pa bang ine-expect natin kapag first day of class? Hindi ba introduce yourself lang naman. Tamad akong naglakad papunta sa upuan ko. Katabi ko naman ang mga kaibigan ko at nagpakilala rin sa harap.

"Good morning guys, I'm Maeanne Cuaren, just call me Meya.. thank you." Pagpapakilala ni Meya na sobra ang ngiti sa madla.

Classmate ko na naman 'tong babaeng 'to, haysts.

"Hello to all, Linyn Saiyn Reindolez, call me Lisa para close na tayo agad, nice to meet you all," pagpapakilala naman ni Lisa.

Friendly si Lisa sa lahat. Hindi naman maikakaila sa itsura niya na friendly siya. Maamo at nagmumukhang mabait. Pero.. pota kabaliktaran sa pagiging mabait.

Ilang saglit pa na pagpapakilala ay may nakakuha ng atensyon ng mga kaklase ko. Ang bagong pasok na lalaki. Hindi ko pa man ito nililingon ay alam kong lalaki na ito dahil sa postura niya. May ilang nagbubulungan at 'yung iba naman ay nasisigawan sa kilig ata.

Bigla akong niyugyog nila Meya at Lisa pero kay Lisa ang pinakamalakas! Oh, diba, kabaliktaran talaga.

Nainis ako ng bigla akong pinalo ni Lisa sa balikat. "Ano ba!"

Nilingon niya ako ng nakatakip ang kamay niya sa bibig niya at ang mata naman ay maluha-luha na. Ganon din si Meya na parang atat na atat. "Look!" Nakangiting sabi nila. Nilingon ko ang bagong pasok at..

Parang huminto ang mga tao sa paligid ko. Tanging ako at siya lang ang nakikita ko sa mapaglaro kong imahinasyon.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Tumigil ang paligid. Tumigil ang pagtakbo ng oras sa nakikita ko ngayon.

Hindi ito maaari. Panaginip lang ito. Batukan niyo ako please.  Nakatayo na ngayon siya sa harap na blangko ang mukhang nakaharap sa lahat. Magkaka totoo na ba ang mga pinapangarap ko?

"You're late," anang adviser namin.

Nagbaba siya ng tingin. "Sorry Ma'am,"

"Introduce yourself,"

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. "Hi, I'm Mart Gin Riendolez, nice to meet you." He said.

Kumakabog ang puso ko sa saya. Sa bawat pagbuka ng bibig niya, kinikilig ako. "Teh," itinaas niya ang baba ko. Si Lisa. "Tulo na ikaw." Nakangising sabi niya. Ngayon ko lang na-realize na naka nganga na pala ako. Iba kasi ang epekto niya sa 'kin. Pangalan niya pa lang, nababaliw na ako.

"Riendolez?" Takhang tanong ng adviser namin. "May Riendolez kanina, diba?"

"Ah, Ma'am." Masiglang itinaas ni Lisa ang kamay niya. "We're cousin Ma'am, hehe."

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now