19

54 4 0
                                    

Isang oras akong nag-stay sa cafeteria para magkape at magising ako sa ulirat. Ilang beses kong pinapanood ang mga pictures ko sa cellphone ko habang suot ko ang goddess dress na bigay sa'kin ni Dein.

She's quite one of a kind. Maaga palang, nandito na ako. I texted Lisa and Meya. Sa wakas bumalik na ang mood ko.

Thanks to Baganella.

Ininom ko na natira sa baso at saktong dumating ang dalawa. Um-order din sila at saka pumunta na dito sa table ko. Nakangiti nila akong hinarap.

"Ayos ka na?" Nakangiting tanong sa'kin ni Lisa.

I nodded with a smile on my lips. "Ayos na.."

"Grabe ka naman mag-emote, two weeks! Puta." Maktol ni Meya na umirap pa sa'kin.

Tumango din si Lisa at tumingin sa'kin. "Nagtaka nga ako bigla kang nag-text--"

"Oo! Ako rin, sobra! Nagtaka ako ang gaga biglang nag-text na parang walang nangyari two weeks ago. Medyo makapal."

Nagsalubong ang kilay ni Lisa at nakangiwing binaling si Meya. "Alam mo, ang OA mo. Don't cut my word--"

"Oo nga naman, Meya. Kilala mo naman 'yan. Ayaw napuputol ang sinasabi." Bigla akong nagsalita.

Sa akin binaling ni Lisa ang nakakamatay niyang tingin. "Isa karin!"

Saglit na katahimikan at sabay-sabay kaming natawa.

Hay.. I missed this.

"Anong ginawa niyo nung nag-emote ako?" Tanong ko matapos i-serve ang kape nila.

"Nakipagbardagulan sa mga Animal Friends. Feeling empty kaya kami, walang daga sa grupo eh." Nakangusong sagot ni Meya.

Dalawa sila sa side habang magisa lang ako dito sa kabila. Pansin kong umirap si Lisa. "Hay naku.. ang sabihin mo, empty ka kapag absent si Ivhan! Kunwari pa 'tong biik na 'to."

"Ikaw nga baboy eh!"

"Huwag ka ngang seryoso! Nickname lang 'yan! Dapat nga sa'kin butterfly eh." Nakangusong sabi ni Lisa.

Natawa ako sa mga attitude nila ngayon. "Syanga pala, about the goddess dress--"

"Yung expensive?" Singit ni Meya.

Tumango ako. "Oh, what about that? Sold na?" Tanong naman ni Lisa.

I nodded again. Nilabas ko ang cellphone ko at ipinakita sa kanila ang picture ko. Ngiting-ngiti ako habang pinapakita sa kanila. I feel goddess talaga.

Yung ngiti ko ay nauwi sa ngisi nang makita ko ang reaction nila na nanlalaki ang mga mata at parehong nakanganga.

"Laway niyo, mahuhulog na." Binalik ko sa bag ang cellphone ko. Natatawa ako nang hindi man lang nagabago ang reaksyon nila.

"Totoo?" Hindi makapaniwalang tanong sa'kin ni Lisa.

I nodded.

"Seryoso?" Si Meya.

I nodded. "Actually, binigay sa'kin ni Dein. Binili niya para sa'kin because I look like a goddess." Pabebe na sabi ko.

"What?!" Sabay nilang sigaw.

"Seryoso? Binili niya 'yan?"

Naiirita akong binaling si Meya. "Tanungin mi siya para sure." Inis na sabi ko.

"Oh diba. Pareho kayong galante pero si Baganella, isang bayaran lang." Si Meya ang tinutukoy ni Lisa.

"Ang unfair naman niya--"

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now