14

50 5 0
                                    

"Mag-kano sopas?"

"Sampung piso," nilabas ko ang sampung piso at ibinigay ko sa kahera.

Nung Elementary pa lang ako, five pesos lang 'yan eh. Nagmamahal na talaga anv mga bilihin ngayon. Ako kaya, kailan ako mamahalin..? Syempre joke lang.

Kinuha ko ang binili kong sopas at pumunta sa table namin ng mga kasama ko. Si Lisa at Meya na hanggang ngayon ay hindi parin nagkikibuan.

Ang awkward ha.

Magka-harap sila at ako ang nasa gitna. Sino kaya ang unang bibigay sa sitwasyon na ito.

Ako ang nag-pumilit na mag-kasama kaming tatlo na mag-lunch. Hindi ito alam ng mga iba naming mga kaibigan na hayop. Ako lang ang nakaka-alam na may love triangle na nagaganap sa pagitan nila Lisa at Meya, sana naman maayos na nila.

"Ganyan na lang? Wala na lang pansinan?" Binigyan ko ng ingay ang table namin dahil nabibingi na ako dahil wala akong maka-usap sa kanila. Wala paring nag-sasalita, parang wala silang naririnig. "Hello? Multo na ba ako para hindi niyo ako marinig?"

"Just shut your mouth, Jess." Lisa glared at me.

"Hay," singhal ko. "Salamat naman at nagsalita na ang--"

"You're so annoying." Si Meya naman ang nag-salita.

Ang awkward pero nagawa ko na lang ang matawa. Gusto kong gumawa ng paraan para mag-ayos na sila pero kung ganiyan naman sila ka-sungit, edi.. "Mga pota kayo." They're both glared at me. "Sige, let's make a deal. Huwag niyo akong lalapitan at kakausapin kung ganyan kayo." Tinuro ko sila isa-isa. "Gumagawa na nga ako ng way para kahit papaano maging okay lang naman kahit konti lang. Konti lang!" Wala paring sumagot sa kanila o kahit man lang tapunan ako ng tingin. Hindi ko na magawang mag-salita at umalis na lang ako. Dinala ko ang styro na baso na lalagyan ng sopas.

Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na nag-aaway silang dalawa dahil lang sa iisang lalaki.

Punyetang reason.

Lumabas na muna ako ng school para mag-kape. Pumunta ako sa isang cafeteria na malapit lang dito sa school namin. Gusto ko muna makalimot ng konti. Sumasakit ang ulo ko sa dalawang 'yun.

Nang mai-serve na sa 'kin ang in-order kong kape ay naagaw ng atensyon ko ang music ng cafeteria.

🎶Akin ka na lang..

🎶Akin ka na lang..

Punyeta. Para sa akin ba 'yang kanta na 'yan o para sa dalawang unggoy na 'yun. Swak na swak eh.

May pumasok na tulad kong isang student dito sa cafeteria pero hindi ko na pinansin pero kitang-kita ko siya sa gilid ng mata ko. Matapos niyang um-order, umupo siya sa kaharap kong table. Magka-harap kami.

Nag-tama ang mga mata namin at isang ngisi ang gumuhit sa labi niya. Tumayo siya at umupo mismo sa table ko. Ang kapal ng face ha. Na-serve na ng waitress ang order niya at pinaka-titigan niya ako.

"Kilala mo ako diba?" Nakangising tanong niya.

Umirap ako bago sumagot. "Oo, ikaw lang naman ang number one bully ni Patricia." Mataray kong sagot.

"Woah, kilala mo nga ako. Haha, may problema no?" Sumimsim siya ng kape.

"Medyo," nagka-tinginan kami at sabay na natawa.

Siya si Reiven. Ang number one bully ni Patricia simula nung second year kami at number one secret admirer niya. Lumalababu na talaga kaming lahat.

Kaibigan din siya nila Mines. Masyadong papansin kaya mas lalong walang pumapansin sa kaniya.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now