15

45 2 0
                                    

Nagising ako na masakit ang katawan ko. Para akong nabugbog at hindi na ako makatayo. Mainit ang bunganga ko saka mata ko. Kahapon ko pa ito nararamdaman pero inuna ko ang kilig ko. Bumangon ako at nasapo ko ang ulo ko ng maramdaman ko ang sakit nun. Parang nababasag ang ulo ko sa sobrang sakit.

Mukhang lalagnatin ako ah.

"Mom." Tawag ko pero walang sumagot. "Dad." Wala paring sumagot. Dati kapag tinatawag ko ang pangalan nila ay agad silang sumasagot.

Nagawa kong tumayo kahit na parang sasabog na ang ulo ko sa sakit. Wala akong lakas na maglakad pero pinipilit ko. Bumaba na ako at dumiretso sa sala. Walang tao. "Mom. Dad." Binuksan ko ang pinto namin at wala na ang dalawang kotse nila.

Nasa trabaho na sila.

Agad akong nagpunta sa refrigerator at tiningnan kung may pwedeng iluto. Nagluto na lang ako ng pritong itlog para mas madali. Nanghihina na talaga ako at baka anytime babagsak na ako.

Nang matapos kong kumain ay saka ko lang napansin na may sulat na nakadikit sa ref. Sulat nila Mommy at Daddy.

Baby,
          Maaga kaming aalis, magluto ka na lang ng breakfast mo ah, babawi kami sayo next time, promise.. we love you.

Hindi ko na lang pinansin at agad akong bumalik sa kwarto ko. Binuksan ko ang cellphone ko at nagtext sa 'kin si Kevin.

Kevin:
             Be ready next week! :)

Friday ngayon at every Friday ay half day kaya ayos lang na hindi na ako papasok. Ayos lang na nagkasakit ako ngayon, keysa naman magkasakit ako sa mismong presentation namin next week.

"Ahh!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok nang may maramdaman na naman akong sakit sa ulo ko.

Epekto ba ito ng sobrang kilig ko kahapon? Tsk.

Naguumpisa na akong magpawis. Sabi ni Mommy, okay daw na magpawis kapag nilalagnat. Totoo ba?

Gusto kong i-text si Meya o si Lisa, pero ako ang gumawa ng deal at huwag nila akong kakausapin hanggang hindi sila nagaayos.

Hindi naman ako pala-absent. Alam kong alam na nila ang dahilan kung bakit ako absent ngayon. Naga-absent ako kapag may sakit ako.

Pero sa palagay ko, wala silang pake ngayon.

Bumuga ako ng hangin at isinandal ko ang likod ko sa sofa. Kumuha na lang ako ng libro para magbasa. Wala naman akong alam na gagawin sa ganitong sitwasyon. Uminom na rin ako ng gamot para maging okay na mamaya ang pakiramdam ko. Sana nga maging okay.

Ilang minuto lang ako nagbasa ay inantok na ako. Pumunta na ako sa kama ko at natulog.

Nagising ako ng alas-tres ng hapon at nakaramdam ako ng hilo. Namalayan ko ding basang-basa na ako ng pawis. Gusto kong bumangon pero hindi ko na kaya. Wala na akong lakas para tumayo o bumangon man lang.

Ilang minuto pa ang lumipas ng may narinig akong mga sasakyan na sa palagay ko ay nasa labas lang ng bahay namin.

Nanghihina na akong imulat ang mga mata ko dahil sa sobrang hilo ko.

Narining kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at narinig ko ang mga bawat hakbang na papalapit sa 'kin.

"Jessica.."

Minulat ako ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Meya. "M-Meya.."

"May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Lisa.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now