WAKAS

91 5 0
                                    

Earlier the smile never left my lips as I waited for my bride. Hindi na mapapantayan ng kahit na sino ang nararamdaman ko ngayon. Konti na lang, makukuha na niya ang apelyido ko.

Nagaganap ang kasal namin ngayon sa Corpuz' Restaurant, kung saan ko nakamit at naibalik ang tiwala sa akin ni Jess.

Meron ang mga kaibigan namin dito. Kasama ang kanilang mga asawa. Nahihiya ako kila Mr & Mrs. Araquez kase hindi kami nakapunta ng kasal nila dahil busy kami sa pagaasikaso ng kasal namin ni Jess.

Green and Orange ang theme ng kasal namin. In-short of kamias at kalamansi na favorite ng magiging asawa ko. At ang favorite color namin na orange.

Naluha ako ng makita ko si Jess naglalakad na patungo sa 'kin habang nasa tabi niya ang mga magulang niya. Nakangiti siya sa 'kin at naiiyak narin. Nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang luha ko.

Nakalapit na sila sa 'kin at at nagkamay at nagyakapan kami ng mga magulang niya.

Umiiyak ang Daddy niya na nagsalita. "Ingatan mo anak ko ah,"

"Opo Tito.."

"Huwag mo siyang sasaktan anak ha.." naiiyak din ang Mommy niya.

"Hinding-hindi Tita." Nakangiting sagot ko.

Nagtawanan ang mag-asawa. "Mamaya, Mommy at Daddy na." Nagtawanan kaming lahat.

Tuluyan ng ibinigay ng Daddy niya ang kamay ni Jess sa 'kin. Nagkatinginan kami at ngumiti. Bago kami lumakad, hinalikan ko ang kamay niya kung nasaan ang singsing.

Hindi na ako nagsasalita pero alam ko na alam niya ang ibig-sabihin ng mga 'to.

--

Kaharap ko na siya at pareho kong hindi na napipigilan ang mga ngiting nasa labi namin.

I stare at her eyes. So beautiful. Hindi na ako hahanap ng iba dahil si Jessica Beyn Coraño lang sapat na.

"You may now kiss the bride."

Itinaas ko na ang kaniyang belo at binasa ang aking labi saka siya hinalikan, kasabay ng mga palakpakan ng mga tao.

Hindi lang mga kaibigan namin ang inbitado kundi lahat. Pwedeng pumasok ang mga tao sa restaurant dahil bayad na ang lahat. Kakain na lang sila.

"Isa pa!!" Sigaw ng lahat matapos kaming maghiwalay sa paghahalikan.

Nagkatinginan kami at natawa. We kiss again. But now, I can't stop.

Pinalalim ko ang halik sa kaniya. Alam kong nabigla siya pero doon ako mas naganahan. Binitawan ng labi ko ang labi niya binigyan niya ako ng masama niyang tingin. Natawa ako ng halos sumabit na ang bilog niyang mata sa sama ng pagkakatingin niya sa akin.

"Ang advance mo mag-honeymoon." Inis niyang sabi.

I chuckled and grabbed her waist. "Uwi na agad tayo--"

"Tse!"

Nauna siyang lumapit sa mga kaibigan namin. Ako? Natameme. Okay naman 'yung ginawa ko ah? Hindi niya ba gusto 'yun?

Sunod na akong lumapit sa kanila at nagkamayan kaming lahat. Hanggang sa kaharap ko na si Dein. Nakangisi siya.

"Selos ka no?" Natatawang tanong ko sa kaniya.

Nagulat ako ng sumeryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. "Sino kaya sa atin ang tunay na nagseselos noong--"

"Okay, you win." Niyakap ko na siya agad.

She hugged me back and whispered. "Promise me, be with her.. forever."

I stunned and then, smiled. "Promise me, be happy with him.. forever."

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now