09

51 3 0
                                    

Ilang na kaya akong naka tulala na lang? Ewan ko rin. Basta ang alam ko, mabigat ang dibdib ko. Hindi. Hindi na ako 'to. Hindi na ito ang dating Jessica. Nadudurog na ako ng paunti-unti dahil kay Baganella at Reindolez. Hindi ko na kilala ang sarili ko.

"Hi Jessica!" Nilingon ko ang bumati sa'kin mula sa likod ko. Si Sydney na escort ng Section Mercury.

"Hey." Lumapit siya sa'kin at inakbayan ako. Biglaan ah. "Excuse me? Minamanyak mo ba ako?"

"No, ayaw ko sa pandak-- aray!" Tinampal ko na ang kapal niyang mukha. Minamasahe niya ang pisngi niyang sinampal ko.

Inirapan ko ang gwapo niyang mukha. Sheesh.. "Masakit ah! Ugali mo talaga 'yun! Ang manampal ng biglaan!"

Tangina, naalala ko na naman ang mag ex-syotang 'yun dahil sa bakulaw na'to!

"Did you ask my permission for you to do that?!"

Nilingon niya ako ng naka ngisi. "Hanep ah.. english-- oh-uhm.. well, I'm sorry for that, I just saw you're alone."

I just tsked. We're both walking here in hallway. May kailangan lang akong i-edit sa presentation ko hanggang weekend for next month. Ipre-present na namin next month kaya kailangan hindi ako magiging kabado sa araw na 'yun. I hope, hindi ako mabulol.

"Saan ka pala galing?" Tanong niya kapagkuwan.

Binasa ko muna ang labi ko bago mag salita. "Sa Computer Lab, may in-edit lang sa presentation." Nilingon ko siya. "Ikaw?"

"Sa Park. Nag pahangin lang."

"Tambayan mo ba dun?" Tanong ko kapagkuwan.

He shrugged and pouted. "Hindi. Napaka lonely dun." Natatawang aniya. "And by the way, long time no pansinan ah.."

Tumango ako at ngumiti. "Oo nga eh.. parang hindi tayo classmate nung first year haha.."

"Naman.. ako parin ang escort. Gwapo eh."

Hindi ako makapaniwalang nilingon siya. "Gwapo? Kailan ka pa naging gwapo, bakulaw?"

Nanlaki ang mga mata niya at tinakpan ang bibig ko at luminga-linga sa paligid. Tinitignan siguro kung may tao.

"Hindi ka masyadong talkative pero nagsasalita ka na lang ng unexpected!" Tinanggal niya ang kamay niya na naka takip sa bibig ko. "Favor nga, Jess."

"Oh?"

"Pwedeng huwag nang bakulaw ang tawag mo sa'kin? Since first year pa 'yun eh. Iba na lang!"

"Sige, Dragon Seed."

"Jessica--"

"Tumahimik ka, nandito ka na sa room niyo. Sige." Pinigilan ko sa pag tangkang isisigaw niya ang pangalan ko. Aakyat na sana ako dahil nasa second floor pa ang room ko. Pero tinawag na naman ako ng bakulaw.

"Jessica.."

"Ano?!"

"Ang ganda mo. Bye!" Pumasok na siya ng tuluyan sa room nila.

Ako?

Eto, naka nganga. Naka tulala. Naging statwa. Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko sa sinabi niya. Hinawakan ko ang mag kabilang pisngi ko at pinag tatampal ng malakas. Palagi niya naman sinasabi sa'kin 'yun pero talagang namumula ako at kinikilig kapag sinasabihan niya ako ng ganon. O sige na nga. Gwapo siya. Oo, gwapo siya, matangkad, moreno at medyo chubby.

Patuloy parin ako sa pag tampal sa pisngi ko dahil hanggang ngayon kinikilig parin ako. Ang ganda kasi ng boses niya, may pagka baritono na ewan. Basta ang gwapo ng boses. Gwapo siya pero hindi ko siya type, iba ang type ko.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now