18

45 5 0
                                    

Maaga akong nagising. Napahawak ako sa dibdib ko.

Hanggang ngayon, mabigat parin.

Mabilis na akong naligo,nagpalit, kumain at ginamit ang bike ko papuntang school.

Habang tumatama sa mukha ko ang malamig na hangin ay siyang pagbalik sa isip ko ang mga nangyari kahapon. Halos hindi ako makatulog kagabi sa pagpapa-tuloy na pag-replay sa utak ko ang mga nangyari.

Naisip ko ang magiging itsura at pakiramdam ni Baganella. Masaya na kaya siya? Sila na ba talaga? Wala na talaga akong pagasa?

"Tsh.." Umirap ako sa kawalan ng maisip ko ang salitang may pagasa pa ba ako?

Pumasok na ako sa school at wala akong pinansin kahit na sino. Wala ako sa mood ngayon para lang pumansin ng iba. Baka mamaya babalik rin ang mood ko. Napagod lang ako siguro.

Naglalakad na ako dito sa may hallway ng may umakbay sa'kin. Nilingon ko siya. Si Meya.

"Hindi ka nakatulog?" Tanong niya.

Hindi ako sumagotbat tumango na lang ako. Nagtuloy lang kami sa paglalakad hanggangbsa magkasalubong namin si Ivhan.

"Let's date, Meya." Agad niyang aya kay Meya.

"Date mo sarili mo." Nilampasan lang namin siya at umaykat na kami sa floor namin.

Pumasok ako na walang pinapansin. Iniisip ko na lang na ako lang magisa at wala akong kasama. Mas tahimik.

Kinakausap nila ako pero tango na lang ang sagot ko sa kanila.

Magiipon muna ako ng mood.

Sa limang taon na ako'y nagmamahal hindi ko akalain na tinapos ko na sa isang iglap ang lahat.

Even though I love, the love I give is not reciprocated. If there is a replacement, not love but pain. The love I give is in exchange for why I am now hurting so much because of that word love.

In the five years that I have been feeling the sweetness of loving, I would not have thought that the non substitute would be a triple pain that would stamp on my chest. I probably wouldn't be able to feel it if I didn't love too much. Because I loved the most more than the most. I feel more than one hundred percent for him that I never thought I would be hurt in the end. I'm so stupid.

Minsan pa lang kasi ako nagmahal, at.. sa taong malabo pa talagang maging akin, sa ex-boyfriend pa talaga ng barkada ko. Pwede ko bang sisihin ang puso ko kung bakit pa talaga sa lalaking 'yun tumibok ng husto.

Gusto kong bugbugin ang sarili ko hanggang sa mawala na ang sakit na nararamdaman ko.

Magkayap sila na sana ako na lang si Dein. Sana ako na lang siya at ako na lang ang mamahalin ni Mart. Sobrang inggit na inggit ako sa kaniya. Nagagalit ako ng palihim sa kaniya pero ang ganda ng pakikitungo niya sa'kin sa personal. Hindi tumatagal ang galit ko kay Dein kahit na isipin kong galit na galit talaga ako sa kaniya. Hindi kaya ng puso ko ang magalit sa kaniya ng matagal dahil simpleng tingin niya lang sa'kin, nawawala na ang galit ko.

Isa lang ang tanong ko sa sarili ko.

Bakit ako galit na galit sa kaniya, eh wala naman siyang ginagawang masama?

Ang sarili kong sagot ay.. dahil kay Mart, kaya ako nagagalit. Yung Mahal kong lalaki at mismong nagmamahal kay Dein. At sa tingin ko.. hindi na 'yun magbabago. Ako lang ang natamaan ng husto pero silang dalawa ang para sa isa't-isa.

Wala akong planong magmahal pero kusa ko 'yun naramdaman ng makita ko si Mart. Ang tanga naman pumili ng puso ko at sa kaniya pa talaga.

I think, this is the right time for me to stop what I always do. Simple lang naman eh.

Waiting You To Love Me (Waiting Series #2)Where stories live. Discover now