Chapter III

4.4K 222 13
                                    

Danielle

Gabi na ako ng makauwi galing school. Today's Friday kaya packed yung schedule ko ngayon. Masyado nakong pagod para sumama pa sa mga kaibigan ko na nagp'plano magbar. Buti pa sila every Friday isa na lang yung class. Baliktad talaga mga sched namin.

"Mam pinapasabi po ng mama nyo sumunod daw po kayo sa kanila" kunot noo ko namang tinignan si kuya Ali. Driver ko sya at the same time ay butler. Tinawagan ko sya kanina, sobrang drain ako sa school para makapag drive pa. Tapos papasunod pako kina Mom, nakakainis naman. Wrong timing lagi.

"Why kuya Ali? Nasan ba sila ngayon?" I tiredly asked habang hinihilot ang sintido. Sumasakit ang ulo ko, wala pakong masyadong pahinga simula kanina sa dami ng pinagawa, idagdag mo pa yung newspaper publication. I'm the president of that club kaya minsan dumadagdag ito sa oras ko at pagod.

"May dinner po sila kasama yung kunpare daw nila mam. Kaya pinapasunod ka po"

Si Tito Gilbert ba and his family? I guess sila nga yun, lagi naman silang may dinner every other month. Siguro nakasanayan na nila. They were best friends since highschool kaya ganun na lamang sila kaclose na magkakaibigan.

"Sa condo muna po ako ihatid, ako na lang po pupunta kina Mom."

Nang maihatid ako sa condo agad akong naligo at nag ayos, I'm really so tired pero I can't say no to Mom. At isa pa, it's a must na dapat present kaming buong pamilya sa dinner na yun. After showering namili ako ng damit na isusuot. Sa dami ng damit dito wala akong makita.

Naglagay din ako ng simple make up, nilugay ko na din yung wavy ko na buhok. Pinili ko na lang din yung simpleng yellow off shoulder dress tapos 2 inches na heels tapos kinuha ko yung chanel shoulder bag ko na favorite kong dalhin. Nag drive thru muna ako saglit kasi kanina pa ko nagugutom. Baka bigla na lang ako mahimatay sa byahe tsk.

--

After almost half an hour narating ko ang mansyon nina Tito Gilbert. Agad naman akong nakilala ng guard at ngumiti sakin. I just nodded at pumasok na sa loob.

Compared to our house, Tito's Gilbert mansion are colorful. Yung mga design ng bahay nila is abstract painting na may iba bang kulay. Sabi ni tito, si tita daw ang may idea nito kasi dream house nya since then. Wala naman daw syang nagawa kasi baka di sya papasukin ng bahay kapag umangal pasya. Samin kasing bahay, medyo classy and elegant. Idea sya ni mommy. Medyo mas malaki din yung amin pero di naman nagkakalayo.

"Hey anak you're here na pala" Nakita ko si Mommy na kumakaway. She's seating in the couch kasama si tita Peach na nakangiti nadin sakin. Lumapit ako sa kanila at yumakap.

"Good evening po, sorry I'm late"

"Ano kaba, you're just on time. Hindi pa naman kami nagstart kumain" nakangiti pading sabi ni tita Peach. I roam my eyes around para hanapin si Dad. "Where's Dad?"

"He's upstairs kasama ni Gilbert. May pinag uusapan pa, take a sit muna Dani." She motioned me na umupo pero tumanggi ako. Balak kong puntahan si Megan. Anak nila tito. She's my friend too, kaya nga lang sa ibang school sya nag aaral.

"Mom, tita puntahan ko lang si Megan po"

Umakyat ako sa itaas at pumunta sa kwarto ni Megan, when I was about to open the door, narinig ako ang pagbukas ng kabilang kwarto na katabi lang ng kwarto ni Megan.

Inuluwa nito ang professor na kahapon lang ay kinaiinisan ko. What is she doing here? Specifically sa kwarto ni Kuya Nathan?

She stop on her tracks when sees me. I can't read her expression but I can guarantee na nagulat ito ng makita ako. Who wouldn't, kahit ako nagulat ng makita syang lumabas ng kwarto. Is she kuya Nathan's girlfriend? Kala ko ba he's not in a relationship, gaya nung sinabi nya dati?

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now