Chapter XVIII

3.6K 190 12
                                    

Danielle

"Bat ang ganda ng room mo?" Yung amin kasi maganda naman pero sapat lang saming dalawa. Hindi gaya ng room nya na sobrang laki at elegante. Hanggang dito ba naman may favoritism sa kanya? Sino ba talaga sya? Bakit mukhang masyado syang mahalagang tao?


"I don't know Halverson, I told you to asked them why right?"


"Masyado naman pashowbiz ang mga sagot mo ma'am" naaasar kong tugon sa kanya. Nandito kami ngayon sa kwarto nya dito sa resort.


Sabay na kaming umahon sa dagat kanina dahil nga mukhang masama yung pakiramdam nya. Pagod at mukhang puyat sya kaya pinilit ko syang umahon kahit ayaw nya pa. Gusto ko na sya makapagpahinga dahil mamaya may event na naman. Yung birthday party ni Megan. For me exhausting makisama sa mga tao tss.


"Whatever" masungit nyang sagot at umirap pa. Tamo to, kanina para syang maamong tupa tapos ngayon nagtataray na naman.


Umupo ako malapit sa kama nya at tinignan syang mabuti. Nakatingin sa akin ang mapupungay nyang mga mata. Antok na antok na sya pero mukhang pinipigilan nyang pumikit.


"Miss Dela Vega matulog ka na po"


Takot ba syang matulog? May bumabagabag ba sa kanya? Kanina ko pa sya pinapatulog pero ayaw naman nyang pumikit.


"Halverson" pagod na boses nyang tawag sa pangalan ko.


Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung noo nya. Mainit ito, kaya naman pala. Nilalagnat sya.


"Blaire you're sick"


Kinuha ko yung phone ko at tumawag kay Harper. Nagpabili ako ng gamot sa kanya at pagkain. Wala nakong oras para makapag luto dahil kailangan nya ng makainom ng gamot. She's burning, kaya pala ang init ng mga hawak nya kanina kahit nasa tubig kami.


"Relax Halverson, I'm not dying"


Napansin nya atang parang nagpapanic ako. Pero nag aalala lang talaga ako. Ang init init nya kasi tapos mukhang pagod na pagod ang mata nya. Oh for fuck sake sinong hindi mag aalala dun.



"Blaire dapat sinabi mo kanina diba? Hindi na sana tayo nagbabad sa dagat" dapat pala kanina ko pa sya inahon e. Jusko naman ang tigas kasi ng ulo nya.


"Pinapagalitan mo bako Halverson?" She coldly asked. Sinusubukan nya talaga ang pasensya ko. Relax Danielle may sakit yan.


"No ma'am, I'm just w-worried"


"I'm fine, lagnat lang to" sagot nya at inirapan ako. Tignan mo to, kahit may sakit nagagawa nya pang magtaray. 



Lumapit ako lalo sa kanya at pinitik ng mahina yung noo nya "Professor kaba talaga-- wait lang" 

Nagmamadali akong lumabas ng makita ang message ni Harper. Pagbukas ko ng pinto agad na bumungad sakin ang bagot na mukha ng kapatid ko.


"Anong ginagawa mo dito? Kanino tong kwarto?" Sunod sunod nyang tanong at tinangkang silipin ang nasa loob. Agad ko naman itong tinampal at kinuha yung pinabili ko sa kanya.


"Akin na, wag kang chismosa"


"May boyfriend kana no? Sumbong kita kay Daddy" tinataas taasan nya ako ng kilay at pasimpleng tumitingin sa space ng pinto.


"Who cares Harper. Now leave"


"Hoy Deejeyy--


Hindi ko na sya pinatapos at sinaraduhan na agad ng pintuan. Bahala sya magdadada dun. I don't care kung ano pang isipin nya. Parang hindi ko sa kanya halata na problemado sya sa lovelife noong mga nakaraang araw tss. Kahit hindi nya sabihin alam ko na.


Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now