Chapter XXIV

3.5K 188 18
                                    

Danielle

Pinapakiramdaman ko lang ang babae na katabi ko. Tulog ko na kaya sya? Kanina pa kami pumasok dito sa kwarto ko dahil nga nagyayaya na sya matulog. Hindi na din ako nagpaalam sa mga kaibigan ko dahil kapwa na sila mga wasted. Hindi na siguro nila mapapansin na umalis kami.

Kanina ko pa pinipilit matulog pero hindi ako dinadatnan ng antok. Siguro ay dahil katabi ko sya ngayon kaya ganito. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko alam kung tulog na ba sya o ano. Natatawa na nga lang ako dahil naglagay na naman sya ng unan sa gitna namin. Ewan ko ba dyan, hindi ko naman sya gagawan ng masama tss.

Sa totoo lang hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa nararamdaman ko sa kanya. Itatago ko na lang siguro para walang magbago. Wala din naman mangyayari kung aaminin ako sa kanya diba? Pero siguro kung may pagkakataon, sasabihin ko naman. But it's not the right time. It's too early to confess.

Dahan dahan akong humarap sa kanya. Tumagilid ako para makita sya ng maigi. Agad akong napangiti ng makita ang tulog nyang itsura. Nung nasa resort kami di ko sya masyadong natitigan matulog dahil antok antok na ko nun.

Pero ngayon may pagkakataon akong gawin iyon. Ang amo ng mukha nya ngayon, parang hindi laging nagsusungit at nagtataray sakin. She look like an angel. Devil nga lang kapag gising tss. Half-half talaga sya.

Well ang tangos ng ilong nya, given nayun sa dami ng lahi nyang pinaghalo halo. Nakakasad lang at hindi ko makikita ang paboritong kong mga mata nya. Then I stared at her down to her lips, it's still moist. Lagi naman parang laging basa ang labi nya. Ang unfair lang. Nakaawang ito ng konti kaya napakagat labi ako ng wala sa oras. It looks inviting.

Napapikit ako ng mariin bago humarap sa ceiling. Geez hindi talaga magandang ideya na pagsamahin kami sa iisang kwarto knowing na alam ko na ang nararamdaman ko sa kanya.

"You gone crazy now Halverson?"

Muntik nakong mapasigaw nang bigla magsalita yung katabi ko. Holy shit. Gising pa pala ang isang to?

"Gising ka pa?!" Umupo ako mula sa pagkakahiga at nanlalaking matang nakatingin sa kanya. All this time she's awake?

"Stating the obvious?" Pagtataray nito. Okay, mukhang nawala na yung tama ng alak nya dahil normal na ulit sya.

"Bakit hindi ka makatulog?" I sighed, pareho pala kami hindi makatulog.

"Hindi ako makatulog sa kakabuntong hininga mo" napanganga nalang ako sa sagot nya. Rinig nya pala yun? Panong di bubuntong hininga kung andyan sya at isang unan lang pagitan namin?

"Do you want me to leave para makatulog kana?" Nag aalala kong tanong dito. Halatang antok na antok na ang mga mata nya. Nakasandal na ito sa headboard ng kama ko habang humihikab na nakatingin sakin. Bakit ang cute nya humikab? Uggh

"Wala akong sinabing kailangan mo umalis, gusto ko lang itigil mo nayang kakabuntong hininga mo. It's bothering me too" aniya pero walang halong pagtataray sa boses nya. Its like her normal speaking voice. Hindi cold, hindi masungit kundi yung sakto lang. Sapat na para maging kalmado ang mga nararamdaman ko. She can make me feel crazy and at the same time she can also make me calm.

"Sorry Blaire. Tulog na tayo. Wag mo na yang pigilan. Sige ka papangit ka" pagbibiro ko dito at humiga na ulit. Ganun din naman ang ginawa nya pero hindi nya padin nakakalimutan na bigyan ako ng irap. As usual. Hindi na nga lasing ang masungit.

"Halverson"

"Ma'am?"

"Nothing, let's sleep"

Napakamot ako ng ulo. Ang weird nya din talaga minsan. "Blaire?" Tawag ko ulit sa kanya ng may mapansin ako

"Hmm"

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Where stories live. Discover now