Chapter IV

4.2K 190 33
                                    

Danielle

"Deejeyyy!"

Nababagot akong lumingon sa babaeng parang nakalunok ng megaphone. She's wearing her usual smile kapag nasa tamang pag iisip sya. Mukhang normal sya ngayon kasi ang hyper nya. Ilang araw ko din kasi itong nakitang masungit at tahimik.

"Why are you here Harper, and please call me ate. Mas matanda padin ako sayo" she only laugh at my remarks and then hug me. Nanglalambing na naman ang kapatid ko. Amoy mukhang may kailangan sakin.

"Magpapaalam lang sana ako hehe, gagawa kami thesis sa kaklase ko" sabi na e. She's a grade 12 student. 4 years ang agwat ng edad namin.

"Kay mom and dad ka magpaalam, wag sakin"

"Deejey naman, alam mo namang di yun papayag. Beside they won't know naman kasi wala sila dito" tamo tong batang to, natututo ng maglihim.

"I said ate, Harper" sumimangot naman sya

"Alam mo naman na hindi ako sanay diba?" She grew up on states kaya di sya sanay na tawagin akong ate. "Pero nasa Pilipinas tayo Harper. Show some respect to your older sister"

She only pouted and kiss me on my cheeks "Sorry ate. Payagan mo na ko please"with matching puppy eyes pa. I rolled my eyes, ganto lang talaga sya kapag may kailangan. Tapos kapag wala lagi nya akong inaasar.

"No. Talk to your parents"

"But they are your parents too. Ate dali naaa"

"Bakit wala ka sa dinner kahapon?" Pag iiba ko ng usapan. I just have the gut feeling na she's lying about doing the thesis.

"I already texted mom na may practice kami kaya di ako makakapunta nun" lies.

Ilang araw ko ng napapansin ang paglabas labas nya. And her attitude last time, na halos di na makausap. She's definitely hiding something.

"You know what Harper, if you have a problem I'm here okay? You can talk to me" there's a hint of sadness in her eyes ng tumingin sya sakin. Pero mabilis din nya itong inalis at pinalitan ng ngiti.

"Deejey I'll tell you when I'm ready. But I'm not doing drugs or what ha. It's just so personal to me. Kaya di ko pa kayang sabihin."

"Fine, I won't force you but please don't do anything reckless"

"Oo naman ate ate. So payag kana ba?" Akala ko pa naman naiba ko na usapan. Matalino din talaga to.

"Oo na, sabihin mo sakin address and update me every hour"

"Grabe, dinaig mo pa sina mama ah" I just smirked at her.

--

Natural na siguro sa kanya or inborn na talaga ata ang pagiging taong bato nya. Kanina ko pa sya tinitignan pero kahit isang beses di sya nagbreak nang ibang emotion. Kahit panga panay ang jokes ng mga kaklase ko at mga pick up lines nila na ang kokorni di sya naapektuhan.

May groupings kami, at sya ngayon ang nagtuturo. Nakatayo lang sya at nagmamasid samin. Well sa kanila, simula ata nung pumasok sya di nya ako natignan kahit isang beses. Tatarayan ko pa naman sana psh.

"Danielle okay na ba to?" I look at my groupmate ng ilagay nya sa harap ko yung ginagawa namin. Hindi ko kagrupo yung dalawang kaibigan ko, kaya kanina ang sama ng timpla ng mukha nila. Pano asang asa yun sakin lagi. Matatalino naman sila, mga tamad nga lang.

"Okay naman pero parang may kulang dito" tinuro ko yung nasa ibabang part. Tumango tango naman sya at nagsimula ulit gumawa. Tatlo kaming members pero group. Yung isa samin absent kaya kami lang nitong si Garette if I'm not mistaken.

Who are you Miss Dela Vega? (University Series #I)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin